Joey & Eileen
Joey gustung-gusto ng mga katrabaho!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

Ang ugali ng mag-asawang Joey de Leon at Eileen Macapagal ang isa sa pinakagusto ko, lalo na ang pagiging deeply religious at thoughtful nila.

Hindi alam ng marami na palasimba at sa isang araw, dalawang beses na nagdarasal si Joey ng Holy Rosary.

Dalawang beses din niya na pinakasalan ang kanyang misis na si Eileen Macapagal-de Leon, sa Macau at sa Canai, Holyland.

Dalawang beses sila na nag-pilgrimage at nilibot ang lahat ng mga trail ni Jesus Christ sa Holy Land.

Napaka-thoughtful nina Joey at Eileen, kaya gustung-gusto siya na makatrabaho ng staff ng lahat ng mga show niya dahil kahit utility personnel, may natatanggap na regalo mula sa kanila tuwing Pasko.

Hindi nakakalimutan ni Ricky Lopez na pinabaunan siya ni Joey ng dollars sa unang biyahe niya sa Amerika.

Si Ricky ang writer namin sa defunct showbiz talk show na Startalk.

Masarap kasama si Joey sa trabaho dahil team player siya, very professional, punctual, at walang karekla-reklamo kaya love na love siya ng production staff.

Thank you for the friendship Joey and Eileen. Miss na kita Joey, pero dahil nandiyan si Eileen, okey lang dahil mas magaling siyang mag-alaga. Hahaha! Merry Christmas!

Soundtrack ng Damaso malakas maka-engganyo

Ang ganda pala ng soundtrack ng Damaso, ang pelikula ng Regis Films at Reality Entertainment.

Isang musical drama directed by Joven Tan ang Damaso na ginagam­panan ni Arnell Ignacio.

Ipinarinig ng cast ng Damaso ang mga kinanta nila sa presscon ng pelikula noong Biyernes.

Magaganda ang mga kanta at magagaling na singer sina Arnell, Vina Morales at Marlo Mortel nagbigay sa presscon ng sample ng mga inawit nila sa Damaso.

Sayang dahil hindi nakasali si Christopher de Leon sa cast ng Damaso. Nagkaroon kasi ng conflict sa kanyang schedule sa teleserye na ginagawa niya sa ABS.

Sinabi ko nga kay Arnell na magpasalamat ito dahil kung nagkataon na available si Christopher, hindi siya ang bida sa Damaso.

Kasali rin sa Damaso ang magagaling na singers na sina Nyoy Volante, Ariel Rivera at Jenine Desiderio.

Arnold, Ali at Joel puwede na sa concert!

Fan ako ng singing trio nina Arnold Clavio, Ali Sotto at Joel Zobel sa programa nila sa DZBB. Magaganda ang mga singing voice nila at pinag-iisipan ko na talaga na ipag-produce sila ng concert na siguradong kikita dahil sa dami ng sponsors na puwede kong lapitan, lalo na ang rich Asian friends ko.

Pero ang Instagram account ni Joel ang talagang naka-attract sa attention ko. Bongga siya, perfect father at feel na feel ko ang love niya sa kanyang daughter.

Cute ang kanyang asawa na love na love ni Joel na isang domesticated husband. Halos lahat ng mga post ni Joel sa Instagram, tungkol sa baby girl nila.

Bongga ha, dapat hangaan si Joel dahil bukod sa pagkakaroon ng magandang singing voice, ideal family man siya.

Congrats Joel and stay cool. Fan mo ako, no joke, honest!

JOEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with