Komedyana mabilis pumaraan sa lalandiin!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

Kung tawagin siya ng kanyang mga katrabaho ay fastest gun alive. Wala kasi siyang pinalalampas, basta natipuhan niya ang kahit sino ay asahan nang may magaganap, ganu’n kung ilarawan ng marami ang isang kilalang komedyana.

Kahit sa mga shows niya sa malalayong pro­binsiya ay milagrosa ang komedyanang ito. Bigla na lang siyang nawawala.

Kuwento ng isang source, “Madalas namin siyang kunin sa mga provincial shows, kasi nga, mahusay naman siyang mag-perform. Bukod sa magaling na siyang kumanta, e, binubuhay pa niya ang audience sa mga pagkokomedya niya at pagpapatawa.

“Pero bihirang-bihirang bumabalik kami sa Manila nang walang ganap! Mabilis ang babaeng ‘yun! Nakakagetlak siya agad ng type niyang guy kahit sa audience lang!

“Magaling siyang pumaraan, hindi siya nahihiya! Isa siyang milagrosang babae na kahit sa kung saan-saan lang, e, nagtatagumpay sa gusto niyang mangyari!

“Kung naka-hotel kaming lahat ng mga performers, mas matindi ang babaeng ‘yun! Hindi na talaga niya pakakawalan ang lalaking nataypan niya, isinasama niya na sa hotel!

“Hindi na siya sumasama sa grupo, absent na siya sa late dinner. Hindi kasi sila kumakain before the show, mahirap kasing kumanta, kaya madaling-araw na silang kumakain.

“Habang kumakain ang grupo, e, hanap nang hanap sa kanya ang mga co-singers niya, magtatawanan na lang ang lahat dahil biglang may sasagot, ‘Naku, don’t worry, kumakain na rin siya! At mas masarap ang kinakain niya kesa sa atin!’

“Kabisado na kasi siya ng mga nandu’n, kaya niyang isakripisyo ang gutom niya basta meron na siyang kasamang mhin! Matindi ang babaeng ‘yun! Wala siyang pinalalampas!

“Nu’ng minsan ngang may nakasama kaming male personality, e, nilandi-landi niya ‘yun! ang sabi niya, ‘Balita ko, e, meron daw binti ng sanggol sa pagitan ng mga legs mo!’ Natural, hinihipu-hipo niya ang harapan nu’ng male personality, kaya ano ang maaasahan n’yo?

“That night, may naganap sa kanila, bigla na lang silang nawala! Hulaan n’yo kung saan nangyari ang milagro? Sa van lang! Nakakaloka talaga siya!” tawa nang tawang kuwento ng impormante.

Sabi nga ng magkakaumpukan, hindi man siya matalino ay meron naman siyang kakaibang kahenyuhan, hindi siya boba pagdating sa mga kalalakihan.

“Ibang klase siya! Wala siyang kapaguran! Fastest gun alive talaga siya dahil baril lang siya nang baril, bulagta lang siya nang bulagta basta may nagustuhan siyang mhin!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sarah at Matteo magiging pribado ang kasal?!

Mauuna nang magpakasal ang isang kapatid ni Matteo Guidicelli sa Italy. Dadalo siyempre sila ni Sarah Geronimo sa kasalan dahil may mahalagang partisipas­yon ang sikat na singer-actress sa kasal ng bayaw niyang hilaw.

Bigo na ang kanilang mga tagahanga na sa taong ito magaganap ang pagpapakasal nina Matteo at Sarah, bawal ang ganu’n, magiging sukob sa taon kapag magkapatid ang magpapakasal sa loob nang magkaparehong taon lang.

Pero nakakahon na ang kanilang kasal, engaged na sila, wala nang urungan ang pagharap sa altar nina Matteo at Sarah. Siguradong sa susunod na taon ay kasado na ang kasalan.

May umiikot na balita na sa Italy rin gaganapin ang pagpapakasal nila, ‘yun daw ang napagkasunduan ng magkabilang partido, lahat daw kasi ng ikinakasal mula sa angkan ng mga Guidicelli ay sa Italy talaga nagpapakasal.

Malungkot ang mga tagahanga ng Popstar, sana raw naman ay magbago pa ang mga plano, sana raw ay masaksihan nila ang pagharap sa altar ng kanilang idolo.

Maraming tagasuporta si Sarah na nagka-edad na sa pag­hanga sa kanya, hindi bumibitiw ang mga ito, sila ang susi sa matatagumpay na proyekto ni Sarah.

Totoo naman ‘yun. Nagtatagumpay ang mga pelikula at concerts ni Sarah dahil sa kanyang mga loyal fans. Maging ang resulta ng nagkampeon sa The Voice Kids na si Vanjoss ay malinaw na kay Sarah ibinibigay ang kredito dahil sa text votes nito na super-taas.

May katwiran ang kanilang hiling. Kung totoo ngang sa Italy nakatakda ang pagpapakasal ni Sarah kay Matteo, sana naman ay bigyan ng kunsiderasyon ang mga tapat na tagahanga ng singer-actress, huwag sanag ipagdamot sa kanila ang isang napakahalagang okasyon tungkol sa kanilang iniidolo na nang ilang dekada ngayon.

 

KOMEDYANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with