Gazini inaasahang magpapa­kitang gilas sa Miss U
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

SEEN: Sina Ejay Falcon, Richard Poon at DOT Secretary Berna Romulo-Puyat ang mga special guest ng mag-asawang Anthony at Rossel Ta­berna sa relaunching ng Ka Tunying’s Café noong Biyernes, November 15, 2019. Isa nang full-fledged Pinoy restaurant na ang Ka Tunying’s at specialty nito ang mga masasarap na pagkain na ipinagmamalaki ng mga Nueva Ecijanos. Sinuportahan ni Sec. Berna ang relaunching ng Ka Tunying’s dahil sa campaign nito na Eats More Fun in the Philippines.

SEEN: Naging matipid ang sagot ni Sec. Romulo-Puyat nang tanungin tungkol sa kaso na isinampa laban kay Cesar Montano, ang former chief operating officer ng Tourism Promotions Board. Sinabi ni Puyat na mas makakabuti na magtanong sa Ombudsman dahil ito ang may hawak ng kaso ng paglabag ni Cesar sa Procurement Law.

SEEN: Isang musical ang pelikulang Damaso na joint production venture ng Regis Films at Reality Entertainment. Si Vina Morales ang gumaganap na Sisa, isa sa mga popular character sa Noli Me Tangere, ang nobela na isinulat ng National Hero na si Jose Rizal. Ikinuwento ni Vina na tulad ng karakter nito sa Damaso, naranasan na niya na maging baliw pero dahil sa pag-ibig.

SCENE: Totoo ang pahayag ni Vina Morales  dahil noong dekada ’90, exclusive na nainterbyu namin si Liezl Sicangco sa tahanan nito sa Pampanga. Si Liezl ang ex-wife ni Robin Padilla at big news noon ang pagsasalita niya tungkol sa relasyon nina Vina at Robin, kahit kasal na sila ng aktor. Ikinuwento ni Liezl na tinangka noon ni Vina na tapusin ang sariling buhay dahil sa sobrang pagmamahal kay Robin.

SEEN: Cast member ng Damaso si Ejay Falcon bilang Elias. Revelation si Ejay sa karakter nito sa Damaso na hindi nakapagtataka dahil siya at ang kanyang pagganap ang napapansin sa mga eksena ng Sandugo, ang afternoon action drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nila ni Aljur Abrenica.

SCENE: Dapat magpakitang-gilas si Gazini Ganados sa 68th edition ng Miss Universe na magaganap sa December 9, 2019 sa Tyler Perry Studios, Atlanta, Georgia dahil marami ang nagdududa sa kanyang kakayahan at sa history ng beauty pageant na sasalihan niya, hindi pa nagkakaroon ng back-to-back win ang mga representative ng Pilipinas.

GAZINI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with