^

PSN Showbiz

Ibinukong six months preggy siya, Ethel Booba inakusahang nagpapabayad sa pulitiko!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ibinukong six months preggy siya, Ethel Booba inakusahang nagpapabayad sa pulitiko!
Ethel Booba

MANILA, Philippines — Wow six months preggy pala si Ethel Booba.

Binuko niya ang pagbubuntis sa It’s Showtime kahapon. Si Ethel ang grand champion sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition.

“Ano ba ‘yan, naiiyak ako. I’m happy for the gift of life. Double celebration. Double congratulations to me,” sabi niya sa Kapamilya noontime show.

Ang pagbubuntis daw niya ang dahilan kaya siya nahihirapang kumanta. “Parang lalabas ang bahay-bata ko,” natatawa niyang kuwento.

Kaya pala ang laki ni Ethel sa interview ni tito Boy sa Tonight with Boy Abunda three nights ago.

Naka-base daw sa Boracay ang magiging ama ng baby ni Ethel na isang chef.

Bongga ang Showtime, sunud-sunod ang pasabog nila ng ‘magandang balita.’

Umamin ng relasyon sina Vice Ganda and Ion Perez, sumunod ang pag-amin ni Anne na buntis siya, ang confirmation ng pagpapakasal ni Vhong Navarro at ngayon ang pagbubuntis ni Ethel na natsitsismis na diumano’y gina­gamit ng ibang pulitiko para siraan ang mga kalaban na itinanggi naman niya sa interview ni tito Boy.

Speaking of Tawag Ng Tanghalan, umaapoy na bakbakan sa inilunsad sa pagtitipon ng 60 singers mula sa una, ikalawa, at ikatlong taon ng kumpetis­yon para sa isang enggrandeng All-Star Grand Resbak na nagsimula ngayong linggo.

Sa bagong edisyong ito, magkakasubukan sa husay at diskarte ang 60 grand resbakers na hinati sa tatlong grupo na may 20 member per group  – ang Team Alab, Team Bagsik, at Team Sinag.

Araw-araw, tatlong grand resbakers o isang miyembro kada team ang maglalaban-laban sa dalawang round ng kantahan para pag-agawan ang dalawang seat of power.

Sa unang bakbakang naganap noong Lunes (Nobyembre 11), unang naghari sina Jex De Castro ng Team Sinag at Tuko Delos Reyes ng Team Bagsik sa seat of power matapos nilang makuha ang pinakamataas na ave­rage scores mula sa mga hurado sa dalawang round.

Tuluyan namang napaalis na sa kumpetisyon ang Team Alab member na si Marlo Mortel, na nagmula sa Celebrity Champions edition.

Sa loob ng buong edisyon, pag-aagawan ng tatlong teams ang dalawang seat of power hanggang ang mga matira ang maghaharap sa huling tapatan.

 

vuukle comment

ETHEL BOOBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with