"Wala pong batas na nagbabawal sa pag-aartista. Ito ay isang marangal na trabaho na bumuhay at bumubuhay sa pamilya ko," wika niya sa ulat ng News5 ngayong BIyernes.
The STAR/Michael Varcas, File
'Haters gonna hate': Revilla bumwelta sa mga bumira sa balitang TV comeback
James Relativo (Philstar.com) - November 15, 2019 - 1:32pm

MANILA, Philippines — Binanatan ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ang mga mga kritiko online na bumatikos sa kanyang napapabalitang pagbabalik sa industriya ng showbiz.

Ilang araw na ang nakalilipas nang mag-trend sa Twitter ang #NoToBongRevillaOnTheGift matapos maibalita ang planong "special guest appearance" ni Bong sa GMA serye na "The Gift."

Una na ring naiulat ng PSN na kasado na ang drama anthology ni Revilla, na isa sa mga pinararatangan kaugnay ng milyun-milyong pisong pork barrel scam, sa Kapuso Network. 

"Wala pong batas na nagbabawal sa pag-aartista. Ito ay isang marangal na trabaho na bumuhay at bumubuhay sa pamilya ko," wika niya sa ulat ng News5 ngayong Biyernes.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni "Kap," na nagawang manalong uli sa 2019 midterm elections matapos makulong ng apat na taon, na uunahin niya ang kanyang trabaho sa Senado.

Nagsalita na rin si Sen. Ronald dela Rosa sa isyu, at pinayuhan ang katrabaho na mas pagtuunan ng pansin ang mga dapat gawin sa Mataas na Kapulungan.

Bagama't in-acquit ng Sandiganbayan si Revilla sa kanyang kasong plunder, ipinag-utos naman ng anti-graft court na isaoli niya ang halagang P124.5 milyon sa National Treasury.

Hindi niya pa rin ito isinasauli hanggang sa ngayon.

Pero hindi pa rin nagpatinag si Revilla sa patutsada ng marami.

"Haters are going to hate, and bashers are going to bash," sabi niya sa iasng pahayag.

"The truth is out there and it is their choice to side with lies and falsehood. Sino ang may problema? Not me."

Agosto pa lang ay nagpahayag na si Bong na nais niyang bumalik sa industriya.

Reaksyon ng mga nasa industriya

Hindi rin napigilan ng ilang showbiz personalities na magsalita laban sa balitang ito noong mga nakaraang araw.

"PERA PERA PERA lahat. OK Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this," sabi ng APO Hiking Society singer na si Jim Paredes.

Kahalintulad din ang naging tugon ng aktor, makata at mang-aawit na si Juan Miguel Severo.

"Lol. Alden is a decent guy. GMA better not subject him to the certainly unpleasant experience of working with a plunderer. Malalang backlash ba ang hanap ninyo #NoToBongRevillaOnTheGift," sabi niya sa Twitter.

"Seryoso. Why is giving Bong Revilla a job even an option for you, @gmanetwork ??? Serbisyong Totoo kamo sa news, pero sa entertainment arm ninyo enabler kayo ng magnanakaw at bibigyan ninyo pa ng mas malaking social capital para sa susunod na eleksyon??? Stick with memeable camp!"

Si Severo, na kilalang supporter ng progresibong Kaliwa, ay nakatakda namang gumanap sa nalalapit na Dekada '70 the Musical, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Dati na rin siyang gumanap bilang ang manunulat at rebolusyonaryong si Eman Lacaba sa musical na idinirek ni PETA artistic director Maribel Legarda. — may mga ulat mula sa News5

BONG REVILLA GMA-7 TELEVISION COMEBACK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with