Mga nambo-boycott kay Sen. Bong hindi totoong fans ni Alden!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

Hindi ako naniniwala na fans ni Alden Richards ang mga nagsabi na ayaw nila na mag-guest si Senator Bong Revilla sa The Gift.

Alam ng mga tunay na nagmamahal kay Alden kung paano ito inalagaan ni Bong noong bago pa lang siya sa showbiz. Nakasama ni Bong si Alden sa kanyang television show at pelikula noon.

Madalas purihin ni Bong ang pagi­ging matiyaga at masipag ni Alden. Lagi rin niyang sinasabi noon na malayo ang mararating ni Alden at nangyari na nga ito.

Pumayag si Lani Mercado na gumanap na nanay ni Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity dahil fan siya ng AlDub.

Mga galit kay Alden ang pasimuno ng no guesting ni Bong sa The Gift dahil gusto lang nilang mang-inis.

Paano tatalab sa akin ang pang-iinis nila eh sila ang nagsabi ng NO sa Alden-Kathryn Bernardo tandem sa Hello, Love, Goodbye pero na­ging top grosser ito.

Sila rin ang nagsabi na galit sila kay Maine pero popular pa rin ito.

Hay naku, matatakot ako sa inyo kung meron kayong TV station, movie production o pera na gagastusin ninyo para manood ng sine.

Puwede rin na baka kahit TV wala kayo kaya ayaw ninyo na mag-guest si Bong sa The Gift dahil hindi n’yo mapapanood.

Bakit nga ba hanggang ngayon, ang akala ng mga bobitang tao, marami pa rin ang magiging biktima ng kanilang pananakot?

Sila na lang ang naniniwala na sa trending kuno or bashing na hindi na epektibo. Isip naman kayo ng bagong gimik dahil luma at hindi na pinaniniwalaan ang mga drama ninyo.

Utak hipon talaga, sleep na lang ako at sweet dreams. After all, sure ako na may mga television set at may mga pambayad sa sinehan ang mga bumoto kay Bong sa senatorial elections noong May 2019 at ito ang importante. Babu!

Cong. Ronnie Ong pinuri sa panukala para sa mga senior citizen

Bongga naman ang kaibigan natin na si Congresmman Ronnie Ong, Salve.

Baguhan pa lang si Congressman Ronnie sa kongreso pero may panukala na siya na bill para magkaroon ng special work-for-pay program ang mga senior citizen.

Nagkapirmahan na si Congressman Ronnie at sina Labor Secretary Silvestre Belo III, Anak PUP Federation President Ellenor Joyce Bartolome, PUP President Emmanuel de Guzman.

Gusto rin ni Congressman Ronnie na magkaroon ng ganoong palakad ang lahat ng state universities, public schools at government office.

Malaking tulong para sa mga senior citizen na kahit matatanda na, puwede pa rin sila na magtrabaho.

Gustong-gusto ko ang panukala ni Congressman Ronnie na may malasakit sa mga senior citizen. Tunay na para sa masa ang puso ni Congressman Ronnie kaya mabuhay ka!

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with