Pia
Pia nanguna sa national cheer campaign
Salve Asis (Associated Press) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtipon ang ilan sa mga Pilipinong nagdala ng karangalan sa bansa tulad nina dating Miss Universe Pia Wurtzbach at ang international sensation na TNT Boys para ipagdiwang ang galing ng Pilipino bilang pakikiisa sa National Cheer Campaign.

 Hulyo nang magkaroon ng launching ang kampanya na may layuning ibida ang tagumpay ng mga Pilipino sa mundo at magbigay inspirasyon sa bawat isa na ilabas ang kanya-kanyang galing. Ang awiting Isigaw Mo #Ga­lingNatinIto, na inawit ng mahigit 20 na OPM artists, ang nagsisilbing pangunahing kanta ng kampanya.

Nakasama nina Pia at TNT Boys na sina Francis Concepcion, Keifer Sanchez, at Mackie Empuerto sa Robinsons Magnolia sina Gloc 9, Leanne & Narra, Pao Gumba, JKris, Philippine All Stars, Dancesport Philippine Team, at ang UPHSD Altas Perpsquad.

Naroon rin ang mga atleta tulad ni Aby Maraño mula sa Philippine volleyball team, ang UP Men’s Judo team, Pilipinas Ultimate Team, Philippine Jiu Jitsu team, Mapua Track and Field team, Hado Philippines, at International Downhill Federation.

Naroon din ang mga kam­peon natin pagdating sa mathe­matics at architecture na sina Beacille Elago, Mohammed Nur Casib, Kristen Stefi Teh, Lance Chysler De Jesus, at Keean Na­thaniel Tang, at ang grupo nina Kendrick Supnet, Robin Gale Bernabe, at Katrina Marie Redshaw.

Ang Umagang Kay Ganda anchor at atleta na si Gretchen Ho at komed­yanteng si Alex Calleja ang nagsilbing mga host. Tinuruan din nila ang pagturo ng Isigaw Mo #GalingNatinIto cheer sa mga naroon upang kanilang gawin sa tuwing may lumalabang Pilipino tulad na lang sa papalit na Southeast Asian Game.

Tampok din sa opisyal na station ID ang iba-ibang Pilipino na nagpakita ng puso, utak, at lakas para malagpasan ang mga hamon ng buhay. Napapanood ito sa iba-ibang plataporma ng ABS-CBN sa TV at online sa ABS-CBN Sports YouTube channel.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with