Marco
Marco, di nagpadaig sa pagpa­pa­seksi Nina Tony at Lovi
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Associated Press) - November 14, 2019 - 12:00am

Tatlong magkakaibang pelikula ang pinagkakaabalahan ni Marco Gumabao ngayon na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.

Matatandaang nagpaseksi ang aktor sa Just A Stranger na pinagtambalan nila ni Anne Curtis kamakailan.

Ayon kay Marco ay hindi naman nangangahulugang magtutuluy-tuloy na siya sa pagpapaseksi sa mga pelikulang gagawin.

“I’m not really focusing on the sexy star image. I just want to deliver a good movie. If showing a little skin is necessary, I really don’t mind. Anyway, that’s what I’m working hard for, to maintain a good body. But I’m not going to go the sexy route. I’m just going to do movies. I will continue to act and express the story that needs to be shown. That goes hand in hand,” paliwanag ni Marco.

Magwawalong taon na sa show business ang aktor at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw gampanan ni Marco ang iba’t ibang karakter na susubok sa kanyang kakayahan bilang isang aktor. “I want to do roles that will constantly challenge me,” giit niya.

Isa sa ipalalabas sa mga sinehan sa susunod na taon ay ang In Between Goodbye na pinagbibidahan nina Marco, Lovi Poe at Tony Labrusca.

Para sa aktor ay ito na marahil ang pinakaseksi niyang nagawang proyekto. “Although that’s not the main focus of the story, but this is the sexiest movie that I’ve done so far. It’s my first time to work with direk Joel, plus our writer is Ricky Lee. So I know I’m in good hands. I’m just leaving everything to our creative team,” pagtatapos ng binata.

Sunshine pinatutularan sa mga anak sina Kathryn at Liza

Nagtuloy na sa show business ang panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Cruz.

Bilang paghahanda ay kabi-kabilang workshops ang ginagawa ng anak ayon kay Sunshine.

“Ang ginagawa niya ngayon madalas siyang nanonood ng mga Tagalog films. Sinasabi ko sa kanya, ‘Anak tingnan mo ‘yan sina Kathryn Bernardo, napakagaling. Tingnan mo ‘yang si Liza Soberano, ‘yung emosyon nila kung paano,” bungad ni Sunshine.

Nilinaw din ng aktres na sariling pagsisikap ang ginawa ni Angelina upang subukan ang pag-aartista at hindi ginamit ang impluwensya ng mga magulang. 

“Nag-audition siya. Baka kasi akala ng iba na just because anak siya ng artista kaya nakapasok, hindi po. Nag-audition po ang anak ko at pinaghirapan niya po ‘yan. Sinabi pa nga niya sa akin kung ano ang mga pinagawa sa kaniya at umakting po talaga siya,” kwento niya.

Kabilang si Angelina sa pelikulang One Friend ng Star Cinema kung saan ay ang baguhang aktor na si Bryce Ramos ang katambal ng dalaga.(Reports from JCC)

MARCO GUMABAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with