Sikat na personalidad nakatalukbong dati ‘pag nakikipag-tsugihan
UBOS - Cristy Fermin (Associated Press) - November 14, 2019 - 12:00am

Nakakaloka ang mga kuwentong nasagap ng aming source tungkol sa isang sikat na male personality. Pinagpistahan ‘yun sa isang malaking umpukan ng mga beki.

Nu’ng nagsisimula na pala siyang makilala ay hindi na siya makakilos nang normal na tulad nang dati. Beki ang personalidad na ito.

Simulang kuwento ng isang miron sa umpukan, “Hindi siya puwedeng mag-check-in sa hotel, kakalat ang kuwento na du’n siya nagdadala ng mhin!

“Pero may naisip na magandang idea ang mga kaibigan niyang beki na gusto rin naman siyang lumigaya. Sa housing authority niya na lang pupunta ang lalaki at du’n nila gagawin ang kaligayahang ipinagdadamot sa beking personality sa labas.

“Iba-ibang mhin ang dinadala du’n ng kanyang mga kaibigan, waiting lang ang beki personality sa bahay niya,” unang kuwento ng aming source.

Pero dahil kilala na nga siya ay may production design ang magkakatropa. Hindi puwedeng mabuking ang mhin kung sino ang kaulayaw nito sa kama.

Patuloy ng aming impormante, “Naku, nakakaloka ang mga kadramahan nilang magkakaibigan. May pandong sa ulo ang papasikat nang beki, nakatakip ang kanyang face, hindi siya makikilala ng mhin!

“Nakatalukbong siya talaga, hindi rin siya nagsasalita, baka kasi mabosesan siya ng mhin. Alam na ng lalaki ang gagawin dahil napasadahan na rin siya ng habilin ng mga kaibigan ng beki na kumuha sa kanyang serbisyo.

“Palaging ganu’n ang drama, nakatalukbong ang beki habang nagaganap ang milagro, walang idea ang mhin kung sino siya, basta bayad ang service niya, tapos!” pagdedetalye pa ng impormante.

Pero ngayon ay hindi na ‘yun nangyayari, hindi na nagpapakahirap ang sikat na beki para magtalukbong kapag bumibiyahe sila sa langit ng kaligayahan ng kanyang kasalo sa kama, libre nang nakalantad ang face niya.

Sabi ng source, “Tapos na ang episode ng pagtatago ng face niya, lantaran na ito! May boyfriend na kasi siya, maligayang-maligaya siya ngayon dahil natagpuan na niya ang lalaking mahal niya at nagmamahal din sa kanya!

“Hindi na niya kailangan ang kaligayahan mula sa ibang lalaki, isang tao na lang ang nagpapaligaya sa kanya, peksman, Magellan! Talagang faithful na ang bakla sa boyfriend niya!

“Girl na girl na ang feeling niya ngayon, ‘yun ang peg niya talaga, ang ginagawa siyang babae ng karelasyon niya. Iyun ‘yun!” pagtatapos ng source na nakikipag-apiran pa sa kanyang mga kaumpukan.

Ubos!

Kasal ni Vhong hinog na hinog na 

Hinog na hinog na talaga ang panahon para pakasalan ni Vhong Navarro ang dekada na niyang girlfriend na si Tanya Bautista.

Wala nang kailangan pang patunayan si Tanya, dakila ang puso ng karelasyon ng dancer-comedian, sa lahat ng bagyo sa kanyang buhay ay hindi siya iniwan ni Tanya.

Hindi pa nalilimutan ng sambayanan ang napakatinding kontrobersiyang kinasangkutan ni Vhong ilang taon na ang nakararaan. Babae ang tinutukoy na dahilan ng gulo na ilang taon ding ipinaglaban niya sa husgado.

Pero hindi siya iniwan ni Tanya, nanatili sa kanyang tabi ang dalaga, ni hindi kinapos ng tiwala sa kanya ang babaeng kung tutuusi’y kinaliwa nga niya.

Sa November 29 ang nakatakdang pagpapakasal nina Vhong at Tanya sa Japan, ang itinuturing nilang ikalawang bansa sa kanilang buhay, kaya napili nilang du’n ganapin ang kanilang pagharap sa altar.

Mahaba na ang naging pagbiyahe ng buhay-pag-ibig ni Vhong Navarro, nagkaanak na sila ni Bianca Lapus, may iba rin siyang nakarelasyong artista pero ang ihaharap niya sa altar ay si Tanya Bautista.

Magkakaroon ng partisipasyon sa kanilang kasal ang dalawang anak ni Vhong at ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime.

Isa lang ang ikinalulungkot ni Vhong Navarro sa mahalagang bahaging ito ng kanyang buhay, hindi na masasaksihan ng kanyang ama ang kasalan, kaya siguradong mamumugto ang mga mata ng komedyante sa mismong araw ng kasal nila ni Tanya.

VHONG NAVARRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with