Rocco
Rocco hindi pa rin kayang kausapin si Lovi
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Associated Press) - November 14, 2019 - 12:00am

Proud si Rocco Nacino na binanggit sa aming mahaba na ang nakakabit sa pangalan niya pagkatapos mag-gra­duate sa tatlong buwang training sa Philippine Navy.

Nursing graduate din kasi siya kaya ang buong pangalan niya ngayon ay Petty Officer Third Class Enrico Q. Nacino, Registered Nurse, Master of Arts in Nursing o PO3 Enrico Q. Nacino RN, MAN.

Isa nga ito sa ikinatuwa ng mga navy dahil malaking bagay daw ang pagpasok dito ng celerities para ma-inspire daw ang mga kabataan na pumasok sa military.

“Iyon ang gusto kong ibahagi sa mga kabataan ngayon na habang bata ka pa lang, kaya mong tumulong,” pahayag ni Rocco nang makatsikahan namin sa pictorial ng Metro Manila Film Festival entry niyang Write About Love.

Proud si Rocco sa pelikulang ito na magbibigay pugay daw sa mga scriptwriter na nagsusulat ng mga magagandang kuwentong napapanood sa pelikula at teleserye.

“Iba yung feel ng movie dahil ngayon lang tayo nag-pay ng homage sa mga scriptwriters natin.

“Magbigay pugay tayo sa kanila, na iparamdam natin sa kanila yung importance nila sa quality films and quality seryes na napapanood natin,” pahayag ni Rocco.

Pero ang magandang leksyon daw sa pelikula na pang-millennials na lahat naman ay naranasang ma-in love. “Tulad nga nang sinabi dito sa movie namin sa Write About Love, you have to experience pain before you experience joy,” nakangiting pahayag ni Rocco.

Kahit siya ay nakaka-relate din dahil ilang pain din daw ang pinagdaanan niya pagdating sa pag-ibig.

Ayaw na lang niyang idetalye kung ano ang nangyari, pero mukhang ang relasyon niya noon kay Lovi Poe ang isa sa pain na pinagdaanan niya.

Inamin niyang hindi pa siya handang makasama si Lovi sa isang proyekto.

“Not for now. Maybe in time siguro, but definitely not now,” umiiling na sagot sa amin ni Rocco nang tinanong ko kung handa na ba siyang makatrabaho ang dating kasintahan.

Ayaw na lang niyang magkuwento pero na-gets naming hindi maganda ang break-up nila na hindi pa rin na-settle o hindi nagkaroon ng closure hanggang ngayon.

“Hindi pa kami nakakapag-usap. I don’t know kung closure talaga. Pero so far, hindi pa rin ako nakikipag-usap eh,” dagdag niyang pahayag.

ROCCO NACINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with