Gretchen
Gretchen naging alalay ng anak ni Atong Ang
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Super close pala kay Gretchen Barretto ang eldest daughter ni Mr. Atong Ang na nag-aartista, si Elaine Yu.

Bukod sa sinamahan ni Gretchen si Elaine sa premiere night ng Two Love You starring Yeng Santos, Lassy and Hashtag Kid Yambao, last Sunday night, magpapa-block screening din daw sina Mr. Tony Boy Cojuangco and Gretchen ng pelikulang Nuuk kung saan gumanap na anak ni Aga Muhlach si Elaine sa nasabing pelikula na showing pa rin sa ilang mga sinehan.

Yup ganun daw ang ‘closeness’ nina Tony Boy Cojuangco, Gretchen and Atong Ang kuwento ni Ogie Diaz sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) kahapon sa no. 1 digital talkshow hosted by Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Pero hindi talaga ma-convince si Manay Cristy sa ‘friendship’ ng tatlong controversial personalities.

Busy nga si Ogie sa promo ng pelikulang Two Love You na mapapanood sa mga sinehan beginning today kung saan gumaganap na bestfriend ng character ni Yen ang anak ng mayamang negos­yante. Si Ogie and producer ng nasabing pelikula at siya rin ang manager ni Elaine.

Anyway, kasama rin sa pinag-usapan sa TIPMMG kahapon si Jim Paredes.

Pinaalalahan nila ang tungkol sa nag-viral nitong sex scandal na hindi pa nalilimutan nina Manay Lolit, Manay Cristy at Mr. Fu ang hitsura ng napanood niya sa video. Hahaha.

Actually, puno ng tawanan ang TIPMMG kahapon dahil sa kanya-kanya nilang opinion sa mga chika sa showbiz.

By the way, pasensiya na sa mga kababayan nating sa abroad na hindi namin lahat nasasa-shout out dahil sa kapos na oras.

Pero salamat sa mga nagpupuyat na talagang nakatutok tuwing Martes sa programa na parami nang parami every week. Sa mga hindi nakapanood kahapon, maki-Team Replay sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON at PSN Latest Chika.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with