Anne
Anne nahirapang itago ang pagbubuntis
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

Naging emosyonal si Anne Curtis noong Lunes sa It’s Showtime nang inanunsyo ng TV host ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Matatandaang nagpakasal ang aktres at Erwan Heussaff sa New Zealand noong November 12, 2017.

“Lalo nang magiging espesyal ang November sa akin because I’m happy to announce that Erwan and I are expecting. I’m pregnant, magiging mommy na ako. Erwan and I are very, very happy. Again, maraming, mara­ming salamat to everyone. Maraming salamat for the love, madlang pipol, sa asawa kong si Erwan, and for my little one,” emosyonal na pahayag ni Anne.

Noong Linggo lamang nang unang ibalita ng mag-asawa sa social media na magkakaroon na sila ng supling. Minabuti raw nina Anne at Erwan na ilihim muna sa publiko ng ilang buwan ang tungkol dito.

“We wanted to keep the baby for us muna. It was really such a nice journey. Medyo nahirapan din kami noong una, kung paano ko ba hindi maipapahalata. Pero ang galing din kasi hindi rin siya muna nagpakita masyado. Pero it was nice just to share with Erwan and it was our little secret. Now, we were ready to share it with the whole world kaya ayan, nagpapakita na talaga siya,” pagbabahagi ng aktres.

Coco botong-boto kay Ion para kay Vice

Masayang-masaya si Coco Martin para sa relasyon ng kaibigang si Vice Ganda at Ion Perez. Kamakailan ay inamin ng Phenomenal Box-Office Superstar na isang taon nang opisyal ang kanilang relasyon ng binata.

“Siyempre sobrang saya ako para sa kanya. Alam n’yo naman ang hinahanap lang ni Vice ay ‘yung magmamahal lang sa kanya, ‘yung totoong magmamahal sa kanya, kasi nasa kanya na lahat. Wala nang hihilingin ‘yan sa buhay eh. Maayos na rin ‘yung family niya, nagmamahalan sila, healthy si tita (ina ni Vice), ang kulang na lang talaga ay ‘yung magpupuno sa puso niya at nahanap na niya ngayon kaya sobrang proud ako sa kanya at masayang-masaya ako ngayon dahil sobrang saya niya ngayon,” nakangiting pahayag ni Coco.

Hindi pa nakikilala nang personal ng aktor si Ion pero gayunpaman ay suportado ni Coco ang buhay pag-ibig ni Vice ngayon.

“Hindi pa eh, hindi pa kami nakapag-meet. I’m sure si Vice ayaw niya ipa-meet sa akin ‘yun. Kasi dati ‘pag may boyfriend ‘yan lagi kong inaaway. Kasi siyempe lalaki ako eh siguro dahil mahal ko siya, ‘yung pagiging kaibigan mo bilang lalaki pinoprotektahan mo siya. Ayaw mo siyang lolokohin, pagsasamantalahan. Kaya ngayon sa mga naririnig ko, sa mga nababalitaan ko, napakabait ni Ion kaya natutuwa ako na nakahanap na rin siya sa wakas nang nagpapasaya sa kanya at nagmamahal nang totoo,” paliwanag ng aktor.  (Reports from JCC)

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with