Rhian at BF
Rhian nirampa ang dyowa
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

SEEN: Kahapon ang look test at story conference ng Mang Jose, ang original Pinoy superhero movie na pagbibidahan nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs na matagal nang hindi nagiging  lead stars ng isang pelikula. Co-star nila si Mikoy Morales na nagpapasalamat sa importanteng role sa pelikula. Equally excited si Mikoy na makakagawa siya ng isang mainstream movie sa Viva Films.

SCENE: Handa na si Janno Gibbs na maging lolo dahil ikakasal sa susunod na taon si Alyssa, ang eldest daughter nila ni Bing Loyzaga. Isang destination wedding ang pinili ni Alyssa at ng fiancé nito na si Anton Cruz.

SEEN: Ang kanyang asawa na si Aljon Jimenez ang business manager ni Manilyn Reynes na inayos ang schedule ni Manilyn para hindi magkaroon ng conflict sa shooting ng Mang Jose ang taping ng Madrasta at Pepito Manaloto sa GMA-7.

SCENE: Ang rebelasyon ni Janno Gibbs na nakakatanggap siya ng indecent proposal mula sa mga gay, kahit 50-years old na siya.

SEEN: Si Rain De Ocampo ang direktor ng Mang Jose. Idea ni Rain na isapelikula ang hit song ng Parokya ni Edgar noong 2005.

SCENE: Sobrang mapangahas ang love scenes nina Lovi Poe at Joem Bascon sa The Annulment, ang drama movie ng Regal Entertainment Inc. na magbubukas ngayon sa mga sinehan. SEEN: Sinuportahan nina Sanya Lopez, Kate Valdez, Jeric Gonzales at Klea Pineda ang premiere night ng The Annulment. Kasama naman ni Rhian Ramos ang kanyang boyfriend na foreigner na si Amit Borsok. May balita na karelasyon na ni Rhian si Borsok mula pa noong January 2019.

SCENE: Ang former Miss World Philippines na si Laura Lehmann ang gumanap na bestfriend ni Lovi Poe sa The Annulment. Kasama naman ni Laura sa premiere ang kanyang basketball player boyfriend na si Von Pessumal.

JANNO GIBBS MANILYN REYNES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with