_ngayon
^
Luis, sure na agad na ninong sa anak ni Anne
Luis, Anne

Luis, sure na agad na ninong sa anak ni Anne

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

Isa sa mga natuwa nang mabalitaang buntis na si Anne Curtis ay ang malapit na kaibigan ng aktres na si Luis Manzano. Matalik na magkaibigan ang aktres at ang TV host mula noon pa man. “I’m very, very happy for them. Not just because sinasabi nga nila na time is catching up dahil feeling ko buong-buo ang pag-iibigan nila ni Erwan Heussaff na kumbaga definitely the next step would be having a beautiful child,” nakangiting bungad ni Luis.

Nakikita umano ng binata na magi­ging isang mabu­ting ina si Anne pagdating ng araw. “I’ve known Anne for the longest time and alam ko mase-stress ‘yan, anxiety ‘yan. But at the same time I know how her mom is so I can imagine how she is and at the same time with all that being said, she would be a wonderful and perfect mother,” paglalahad ng aktor.

Posibleng isa si Luis sa magiging ninong ng anak nina Anne at Erwan kapag bibinyagan na ang bata sa susunod na taon. Ayon sa TV host-actor ay siguradong magi­ging spoiled sa kanya ang inaanak. “Feeling ko oo, ‘yun ang magiging role ko sa buhay ng magi­ging anak nila,” pagtatapos ni Luis.

Arjo, proud kay Maine

Simula bukas ay mapapanood na sa iWant ang pinakabagong season ng seryeng Bagman na pinagbibidahan ni Arjo Atayde. Makakasama ng aktor ngayong season 2 si Carlo Aquino na na­ging leading man ni Maine Mendoza sa pelikula Isa Pa With Feelings.

Si Maine ang sinasabing nagpapatibok sa puso ni Arjo ngayon kaya naman may bulung-bulungan na pinagselosan diumano ng aktor si Carlo dahil sa kissing scenes ng dalawa sa naturang pelikula. “Hindi po, I watched it but as a human being. I’m a guy, I don’t want it. I don’t want to see it. But it’s part of our work. Bakit ako magseselos? I don’t think any person will be okay with your girl kissing another guy pero it’s part of our work. Sabi ko kay Maine, ‘It’s part of our work,’” makahulugang pahayag ni Arjo.

Masayang-masaya umano ang aktor sa nakitang che­mistry on screen nina Maine at Carlo. Kung muling mabibigyan ng pagkakataon ang Kapuso actress na makatambal ang ibang leading man wala raw itong magiging problema kay Arjo. “More proud, we’re proud of each other. I’m very proud of her also and that’s one of her best performances. I’m real­ly happy for her,” giit ng binata.  (Reports from JCC)

ANNE CURTIS LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with