Sanya, Nora, malalim ang naging bonding
Sanya
Sanya, Nora, malalim ang naging bonding
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

Hindi maiisip ng mga tagasubaybay ng local movies na matatapos ang magandag samahan ng Superstar na si Nora Aunor at ang maututuring pa ring baguhang Kapuso actress na si Sanya Lopez. 

It seems gumawa ng impact ang pagtatrabaho nila ng magkasama sa Isa Pang Bahaghari na ginawa sana para sa Metro Manila Film Festival 2019 pero sa kasamaang palad ay hindi napili na mapasama sa top 8 movies na bubuo ng taunang Pista ng Pelikulang Pilipino. Mayro’n namang magandang nabuo kina Nora at Sanya kaya si Sanya ang gusto ng beteranang aktres na gumanap bilang Super G sa gagawing remake sa pelikula na unang ginampanan ni Nora.

Katulad ng maraming matagumpay na kuwento tungkol sa mga local super heroes, ang Super G na para ring si Darna (ewan ko kung ano ang pagkakaiba nila ng mas kilalang lumilipad na babae) na unang nabasa sa mga pahina ng komiks at mula sa panulat ni Zoila Meneses.

Bukod sa pagkakapili sa kanya na makasama sa isang Nora/Joel Lamangan project, isa na namang magandang project ang Super G para sa Kapuso artist kapag natuloy.

Lotlot at asawa abala sa basketball team

Mukha namang wise decision para kay Lotlot de Leon at sa kanyang asawang si Fadi El-Soury na sa basketball magbuhos ng kanilang resources and time. Nagbuo sila ng isang koponan  ng baskbetball at kalahok sila sa National Basketball League na magsisimula na ngayong buwan na ito. Big opportunity din ito para sa anak ng aktres na si Diego Gutierrez na kasali na rin sa Quezon City Defen­ders. Magsisilbing coach ng koponan si Mickey Estrada. Nagkataong malaki ang panahon ngayon ni Lotlot kaya madadaluhan niya ang mga praktis ng kanilang QC Defenders.

Anak ni Roi bagay sa ASAP

Maraming fans ng anak ng aktor na si Roi Vinzon ang natuwa na mapanood muli sa ASAP si Lala Vinzon. Sana permanente nang mapanood sa show ang magandang kabataan na naging produkto ng The Voice Teens.

Baka lang kasi kapalit lamang siyang pansamantala ni Janine Berdin na siyang madalas na kasama nina Elha Nympha at Zephanie Maranan.

Isang magaling na singer ang matalentong bata na dumaan sa maraming pagsubok bago nara­ting ang big time. Deserved niya na mapanood sa isang programa na tulad ng ASAP.

Ruru mananagot sa ama

Baka ang susunod na mag-away naman ay si Ruru Madrid at ang padir niya. Balitang hindi minabuti ng nakakatandang Madrid ang ginawang pagdi-deny ng kanyang anak tungkol sa naging kaganapan sa kanila ng girlfriend nitong si Bianca Umali sa isang car park matapos nitong mapanood sa preem ng movie ni Ruru at makaramdam ng matinding selos.

Nasaksihan daw ng ama ng aktor ang buong pangyayari sa pagitan ng magdyowa at hindi ito pabor na pagtakpan ng anak ang nobya kaya galit ito sa ginawang denial ng anak.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with