Arnell
Arnell napagkamalang may birthday
(Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

SCENE: Ipinangako ni Anne Curtis kay Vice Ganda na sa kabila ng kanyang kalagayan, tutulong siya sa promo ng M&M, The Mall, The Merrier, ang pelikula nila na official entry sa Metro Manila Film Festival 2019. Napansin ni Vice sa shooting ng The Mall… ang biglang paglaki ng dibdib ni Anne na isang sign na unti-unti nang nagbabago ang katawan ng aktres dahil sa pagbubuntis nito.

SEEN: Ang kunin ni Anne Curtis na ninong at ninang ang lahat ng mga co-host niya sa It’s Showtime ang biro ni Vhong Navarro na equally excited sa pagbubuntis ng aktres.

SCENE: Dahil sa The Annulment, naungkat ang nakaraan na relasyon nina Joem Bascon at Meryll Soriano dahil hindi pa annulled ang kasal nito kay Bernard Palanca nang makipag-relasyon siya sa leading man ni Lovi Poe sa pelikula ng Regal Entertainment na mapapanood sa mga sinehan, simula bukas, November 13.

SEEN: Kahapon, November 11, ang kaarawan ni AiAi Delas Alas pero nagkaroon siya ng advanced birthday celebration noong Sabado. Kabilang sa mga bisita ni AiAi ang kanyang kaibigan na si Arnell Ignacio.

SCENE: Nagulat si Arnell Ignacio sa birthday wishes na natanggap niya kahapon dahil sa maling akala na siya ang may kaarawan. Nilinaw ni Arnell na si AiAi at hindi siya ang nagdiwang ng birthday dahil March 17 ang kanyang birthday.

SEEN: Ang pag-amin ni Gab Lagman na may girlfriend na siya kaya malabo na ang posibilidad na magkaroon ng part 2 ang naudlot na special friendship nila ni Sanya Lopez. Hindi nagbigay ng detalye si Gab tungkol sa kanyang girlfriend pero marami ang nagsabi na DJ ito.

ARNELL IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with