McCoy, hindi nagmamadaling magka-gf
McCoy

McCoy, hindi nagmamadaling magka-gf

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2019 - 12:00am

Sa November 27 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang The Heiress na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador. Kabilang din sa naturang proyektong ito mula sa Regal si McCoy de Leon. “Horror naman, first time ko pong gumawa ng horror. Actually mahirap pala, unang-una di po ako imaginative sa mga multo pero naniniwala ako. Mahirap i-apply sa character pero nagawa naman sa tulong ng direktor at mga kasamahan ko rin kaya sobrang thankful ako,” bungad ni McCoy.

Samantala, sa ngayon ay nananatiling single ang binata. Matatandaang si Elisse Joson ang huling naging kasintahan ni McCoy. Kontrobersyal din ang naging hiwalayan ng dalawa noong isang taon. Si Miles Ocampo ang sinasabing bagong nagpapatibok sa puso ng aktor ngayon. “Wala pa, siguro in time. Hindi naman ako nagmamadali. Ang sarap mabuhay ng single eh. ‘Yung babae siguro na tanggap ako, lahat ng flaws ko. Basta masaya ‘yung tao, masaya ‘yung babae, ‘yon lang naman. ‘Yung simple lang, parang ako. Ayoko ng masyadong maarte,” nakangiting pahayag ni McCoy.

Dimples, nakaramdam ng insecurities

Aminado si Dimples Romana na na­ging problema niya noon ang pagkakaroon ng maraming pimples o tigyawat.

Ayon sa aktres ay talagang nahirapan siya noon habang ginagawa ang teleser­yeng Kay Tagal Kang Hinintay na pinagbidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. “Growing up I didn’t have good skin. No’ng days ko, kami nina John Lloyd, Bea, oh my God, ‘yung pimple ko parang ‘pag tumubo sa admiral talaga, ‘yung sa ilong, sa gilid. Mako-connect the dots mo, kaya nakaka-relate ako sa may pinagdadaanan na gano’n,” kwento ni Dimples.

Dahil sa pinagdaanan ay nagkaroon ng insecurities ang aktres sa sarili habang tumatanda. Labing-dalawang taon pa lamang si Dimples noong nagsimula sa show business. “For me, growing up, dahil artista na ako twelve years old pa lang ako, napakalaki ng insecurities ko. Kasi ‘pag nakita ka nila sa TV, nakita nila ang pimple mo, hanggang ngayon makikita nila kasi may YouTube na. So imagine mo parang na-immortalize na ‘yung pimple mo. ‘Yung pimple mo sixteen years old ka, hanggang ngayon pwede nilang pag-usapan,” nakangiting pahayag ng aktres.

Bilang isang artista ay naniniwala si Dimples na talagang puhunan nila ang pagkakaroon ng magandang balat kaya kailangang alagaan ito. “It only started when I realized puhunan ko ‘to, ito ang pinagkakakitaan ko, kailangan kong ayusin ‘to. And sa totoo lang ngayon, kahit hindi tayo artista, ang peg natin palagi ay kutis-artista. Kung hindi mo man gustong maputi, ‘yun bang makinis,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

MCCOY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with