^

PSN Showbiz

Ruru pinakiusapang ‘wag pag-iinteresan si Kisses

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Ruru pinakiusapang �wag pag-iinteresan si Kisses
Kisses Delavin

Natawa kami sa nabasang comments sa pangko-congratulate ni Ruru Madrid kay Kisses Delavin na pumirma ng management contract sa Triple A Management at sa APT Entertainment, ang movie arm ng Triple A.

Sabi lang ni Ruru, “Congrats kisses! Hope to work with you soon!” at sunud-sunod na ang comments. May mga nagpasalamat kay Ruru sa warm welcome nito kay Kisses at aabangan nila sakaling pagsamahin nga ang dalawa sa pelikula o shows sa GMA-7.

May nag-react naman ng “Naku Ruru! Wag si Kisses please!!!” at may nag-comment pang pabayaan niya si Kisses dahil baka pagdiskitahan ng rumored GF ni Ruru na si Bianca Umali. Natawa pa kami sa nag-comment na sa sinabi ni Ruru na gusto niyang makatrabaho si Kisses, “baka sagasaan uli siya ng kanyang jowa.”

‘Katuwa ang fans, updated sa mga nangyayari sa mga artista at kahit itinanggi ni Ruru na may nangyari sa kanila ni Bianca after ng premiere night ng Cara X Jagger, may mga naniniwala pa ring may hindi magandang nangyari that night.

Magkakilala sina Ruru at Kisses dahil pareho silang Bench endorsers, nagkakasama sa fashion shows at pictorial shoot at nagkakakuwentuhan.

Samantala, isa sa present sa Thanksgi­ving Party ng GMA Network ang narinig naming nagkwento na sa simula ng party, hindi nagpapansinan sina Ruru Madrid at Bianca Umali at obvious na nag-iiwasan.

Later on, nakita niyang sinusuyo ni Ruru si Bianca, kinakausap na silang dalawa lang at parang may ipinapaliwanag daw si Ruru.

Ang sunod na eksenang nakita niya nakangiti na ang dalawa at masayang nakipag-picture ta­king sa mga bosses ng Kapuso network at ibang Kapuso stars. Sweet na raw uli ang dalawa bago pa matapos ang party.

Hindi na nabantayan ng source kung magkasabay umuwi sina Ruru at Bianca at kung sa kotse ni Ruru sumakay si Bianca. Basta ang huling nakita niya sa dalawa ay masaya na uli.

Pero ang Instagram (IG) ni Bianca, open nga, pero limited lang ang pwedeng mag-comment, may approved followers lang niya at karamihan ay kaibigan o kakilala na hindi nagbabanggit ng nangyari sa gabi ng premiere night ng Cara X Jagger.

Rita seller na rin

Kay Ken Chan unang narinig ni Rita Daniela ang Beautederm na puring-puri ni Ken at kulang na lang ay bentahan siya. Kwento raw ni Ken, nabago ang kutis ng pamilya niya, kaya laking tuwa niya nang kunin siyang isa sa Kapuso stars na endorser nito.

Hindi na siya nagkaroon ng second thought at sobrang grateful na sa rami ng Kapuso stars, isa siya sa mga napili. Sabi kasi ni Ms. Rhea Ani­coche-Tan, President and CEO of Beaute­derm Corporation, may ibang inilapit sa kanya ang GMA Artists Center, pero isa si Rita sa kanyang napili.

Napapanood pala ni Ms. Rhea ang My Special Tatay nina Ken at Rita at nagustuhan niya ang dalawa, kaya pinagsama na niyang endorser ng Skin Care Line. Viewer din siguro si Ms. Rhea ng One of the Baes na bida rin sina Ken at Rita, kaya mas naniniwala siyang dapat magkasama sa Beautederm ang dalawa.

Anyway, kita ang tuwa at gulat ni Rita sa announcement ni Ms. Rhea na bibigyan sila ng negosyo package ng Beautederm at mamili na ng mall kung saan ilalagay ang kani-kanyang Beautederm kiosk. Hindi na lang endorser sina Rita, seller na rin sila, kaya swerte ang pagkapili sa kanilang isa sa 42 endorsers ng Beautederm.

Robin napabilib kay Ogie

Ang comment ni Robin Padilla na “galing mong Ama @ogie_diaz” dahil sa post ni Ogie Diaz kasama ang anak at kung saan, sinabi ni Ogie na masaya siya sa anak na kahit walang medal, walang awards, keri lang. Ang importante, hindi bagsak, mabuting tao at hindi sakit ng lipunan.

Ang kanyang pamilya (asawa at mga anak) ang big inspiration ni Ogie, kaya patuloy siyang nagtatrabaho ng maayos. For sure, masaya ang pamilya nito na natupad ang isa sa bucket list ni Ogie na mag-produced ng pelikula.

Showing na sa November 13, ang Two Love You sa direction ni Benedict Miqui at sila rin ang producer under OgieD Productions and Lonewolf Films. Thankful si Ogie sa Viva Films na siyang magre-release ng movie.

Sina Lassy Marquez, Kid Yambao na talent ni Ogie at Yen Santos ang mga bida sa Two Love You. Suportahan natin para magprodyus pa ng ibang pelikula sina Ogie at director Benedict.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with