^

PSN Showbiz

Kisses mas pinili ang ‘pamilya’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kisses mas pinili ang �pamilya�

Naloka ako nang malaman ko na si Kisses Delavin ang ini-launch na bagong artist ng Triple A talent management agency na talagang itinagong mabuti ni Rams David.

Familiar sa akin si Kisses dahil matagal nang nakatira sa unit ni Lorna Tolentino sa Imperial Palace Suite ang kanyang pamilya.

Naging very close si Kisses at ang mga magulang nito sa mga tenant ng Imperial Palace Suites gaya nina Ricky Lo at Allan Diones.

Nakilala namin ang mommy ni Kisses dahil nakikita namin siya kapag nakatambay kami sa lobby ng condominium/hotel building na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.

Talent na si Kisses ng Triple A dahil nag-babu na siya sa Star Magic pero mahusay raw ang pagpapaalam niya kaya pumayag sina Mike Tuviera  at Jojo Oconer na i-manage ang kanyang showbiz career.

Ang Triple A ang pinili ni Kisses dahil nakita nito ang maganda na pag-aalaga kina Marian Rivera at Maine Mendoza. Well Kisses, you made a good choice at tama ka, alagang anak ang ibibigay sa’yo ng Triple A.

KitKat yumabang na raw, pinagtanggol ng make up artist

Kaloka ang nabalitaan ko na may attitude na hindi maganda ang comedienne na si KitKat na hindi ko kilala personally pero gusto ko lang na makarating sa kanya ang mga kumakalat na balita Salve.

Sa isang pictorial, nagwala umano si KitKat dahil na-late ang encashment ng tseke, na tinarayan daw niya ang nanay ni Kiray dahil sa chocolates at  ang kanyang mga sinasabi na little ‘tsismis’ tungkol sa ibang tao.

Kung totoo man ang mga akusasyon laban kay KitKat, hindi ito maganda kaya dapat na magbago na siya dahil apektado na ang kanyang image.

Gaya na lang na mabuti at nakilala namin ang businessman na si Rey Concha ng Bossing detergent dahil napakabait pala niya.

Maraming salamat kay Papa Rey dahil kinuha nito si Pauleen Luna bilang endorser ng Bossing.

Tuwang-tuwa si Pauleen dahil magkakaroon na siya ng continous supply ng detergent, washing gel at ibang mga produkto na bagay sa isang young housewife na tulad niya.

Good endorsement ang Bossing dahil makakatipid si Pauleen na isang very practical housewife and mother. Tunay nga na siya ang Bossing ng buhay.

Kaloka ang utak ko, from KitKat to Bossing detergent to Pauleen Luna ang topic ko. Halu-halong balita kaya sorry dahil kung minsan ganyan kagulo ang takbo ng utak ko, lalo kapag nasa gitna ako traffic.

Anyway, ayokong isipin ng readers at ng followers ko na naging unfair ako kay KitKat. Usually, ang mga report ko, hindi naman basta lang ako naniniwala sa sinasabi ng ilan.

Nagre-research at nag-iimbestiga ako kung may basehan ang mga kumakalat na balita.

Actually, hindi ko pa nga isinulat ang lahat ng mga narinig ko, ang mga ‘small’ incident na nangyari at ang mga ‘small’ tsismis na ikinakalat daw ni KitKat.

Isinulat ko ang mga impormasyon na nakarating sa akin para maging aware siya at malaman niya na may mga ganoong kuwento tungkol sa kanya.

Mabuti nga at sinabi ng kanyang make up artist at glam team ang panig ni KitKat. Okey na dahil na-clear out na ang isyu ng diumano’y pagwawala niya sa pictorial.

Pero mabigyan din sana ng linaw ang chocolate issue nila ng nanay ni Kiray at ang alleged na pamimintas niya sa mga gamit na ibinigay sa kanya.

At dahil hanggang sa mga nabanggit na isyu lang naman ang interes ko, tatapusin ko na.

She said, I said, you said kaya kung ano ang totoo’yun na lang at maayos na sana para walang gulo. Case closed.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with