Ruru
Ruru iba ang version sa ‘rambol’ nila ni Bianca
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2019 - 12:00am

Ang bestfriend ni Bianca Umali na si Pauline Mendoza ang isa sa nagtanggol sa kanya sa isyung kinasangkutan niya na nangyari sa SM Megamall pagkatapos ng premiere night ng Cara X Jagger nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith.

Ayaw lang daw niyang mag-comment tungkol sa insidente dahil wala naman siya roon.

“Wala naman po siguro. Baka nagkaroon lang po nang di pagkakaintindihan,” pakli ni Pauline nang ipinakilala siyang bagong brand ambassador ng Beautederm kasama ang iba pang Kapuso artists na sina Camille Prats, Ken Chan, Rita Daniela at Sanya Lopez.

Sa nakikita raw niya kay Bianca, masaya naman daw ito ngayon sa buhay niya.

Nagkita nga raw sila sa Thanksgiving party ng GMA 7 at nakikita naman daw niyang masaya sila ni Ruru na naki-party roon.

“Happy naman po siya eh. Kahit siguro hindi siya in love, happy lang siya.

“Ang advice ko lang po sa kanya, kung ano ang sinisigaw ng puso nya, kung saan siya masaya doon po siya. Buhay naman niya yun,” pahayag ni Pauline.

Hindi na nagpa-interview si Bianca sa GMA party.

Sinabi na lang ni Ruru na sana huwag na raw palakihin ang isyung iyun. Medyo nalito lang siya nang sinabi niyang wala naman daw ganung insidente.

Pero ang pakiusap lang niya na sana, tapusin na lang ang isyung iyun.

Inamin naman niyang si Bianca ang isa sa pinaka-close sa kanya ngayon.

Paolo ‘no-tigas’ sa mga girls ng BG

Sa November 15 at 22 mapapanood ang The ScAvengers na 24th anniversary special ng Bubble Gang.

Ipinagmamalaki ni Paolo Contis na tulung-tulong daw sila rito dahil talagang ginu-groom daw silang lahat na magbigay ng suggestions sa mga joke na napapanood sa longest-running gag show.

Ginu-groom daw silang magsulat ng script na ikinatuwa nina Paolo at pati ang ilang cast gaya nina Chariz Solomon, Sef Cadayona at iba pa.

Pahayag ni Paolo; “Lagi sinasabi sa amin ni Kuya Bitoy na always prepare for the day that Bubble Gang will run without me. That we cannot picture.

“Sa totoo lang, ako hindi ko ma-picture ang Bubble Gang na wala si Kuya Bitoy. Pero you always have to be prepared for things like that. 24 years na si Kuya Bitoy…hindi mo masasabi kung kailan siya mapapagod. And I’m sure ayaw din niya kapag napagod siya, lahat mawalan ng trabaho.

“Iba ang collaboration ng show ngayon. Sobrang saya,” pakli ni Paolo.

Pabiro man ang pagkasabi ni Paolo, kaya siya naging regular na sa Bubble Gang dahil sa pag-alis ni Ogie Alcasid dito sa longest-running gag show.

“Nung umalis na si Kuya Ogie, may budget na sila,” bulalas ni Paolo.

“Di ba may tsismis na babalik si Kuya Ogie, kabang-kaba ako nun!

“Hindi ko na maalala kung na-text ko siya…kuya babalik ka ba? Huwag muna please,” natatawa niyang pahayag.

Samantala, nilinaw din ng Kapuso actor na hindi raw nila tinatalo ang mga girls na kasama nila sa Bubble Gang.

Medyo naughty nga ang ibang sketches nila rito, pero sinusunod daw nila ang patakaran na kahit naughty ang ginagawa nila, ‘no-tigas’ naman daw.

Aktres kinakapos na, mga mamahaling gamit naibenta na rin

Marami na pala ang nakaalam at usap-usapang halos nauubusan na raw itong si aktres ng mga gamit na ibinebenta.

Konti na lang daw ang mga mahahaling bags at sapatos dahil hindi pa rin natutuluy-tuloy ang project niya, kaya kinakapos na talaga.

Nagkakatampuhan na raw sila ng ilang close friends dahil sa hindi pa raw ito nakakabayad ng inuutang sa kanila.

Mabuti at ‘to the rescue’ daw ang madatung na ate na madalas na nagbibigay sa kanya ng datung.

Kung walang naiaabot si ate, behaved na lang daw siya sa bahay at hindi na raw muna siya lalabas.

RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with