^

PSN Showbiz

Dimples abala sa kasal ni Angel

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dimples abala sa kasal ni Angel
Dimples & Ghie

Minsan ay iniisip na ring mag-retire, semi retirement actually, ni Dimples Romana na almost two decades na rin sa showbiz.

Feeling niya nakaipon na siya naayos na niya lahat sa buhay niya.

Na siyempre ay mabilis na kinontra ng mga people around her.

Ngayon pa nga ba niya gagawin ‘yun na mas sumikat pa siya matapos ang alter ego niyang si Daniela sa Kadenang Ginto.

Grabe ang meme niya sa nasabing character.

Anyway, magiging busy na rin si Dimples sa wedding ng kaibigan niyang si Angel Locsin.

In fact, ayon sa actress, naghahanda na siya para sa bachelorette party nito. “Nagre-ready na kami ng bachelorette. Pero kasi bilang rock star ang kaibigan ko. Alam n’yo naman si Angel, iba siyang klase na bride -- so kaming nagre-ready ng bachelorette ay hindi lang puro babae,” kuwento ni Dimples kahapon sa ginanap na press launching para sa endorsement niya sa Skin Magical beauty products ni Ms. Ghie Pangilinan.

Ayon pa sa actress, may mga friend silang lalaki na magiging part ng nasabing bachelorette party na usually ay for all female friends lang. “So ang saya lang. Ang cute ni Angel.”

Isa pang sinagot niya ay ang tungkol sa ire-regalo sa kaibigan.

Hindi na raw niya actually alam kung anong ire-regalo bilang hindi ito mahilig sa magagarbong bagay at parang meron na itong ng lahat ng bagay.

So iniisip niya sa mga charity na lang ng actress.

Anyway, si Dimples nga ang witness sa love story ni Angel at ng mapapangasawa nitong producer na si Neil Arce.

Super involve nga pala si Dimples sa ini-endorse niyang Skin Magical.

 

vuukle comment

DIMPLES & GHIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with