Sarah & Matteo
Kasal nina Sarah and Matteo inaabangan na
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

“It’s about time” ang positive comments ng karamihan sa balita na pumutok noong Huwebes, ang engagement nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Mabilis na nag-trending ang Instagram post ni Matteo, ang picture nila ni Sarah na may suot na kumikinang na singsing.

Nag-rejoice ang lahat sa good news ni Matteo na hindi na kailangan na i-confirm ang engagement nila ni Sarah dahil sapat nang ebidensya ang kanilang mga litrato at intri­guing caption nila.

Maligayang-maligaya ang lahat para kina Matteo at Sarah na almost perfect ang relationship dahil walang kaintri-intriga as in basta happy lamang sila.

Bumaha ang pagbati kina Sarah at Matteo mula sa kanilang mga kaibigan na artista na tuwang-tuwa rin at looking forward sa wedding day ng dalawa.

Pagkatapos ng indirect announcement ng engagement nina Sarah at Matteo, ang petsa ng kanilang pagpapakasal ang tanong ng bayan.

May tsismis na magpapakasal ang dalawa sa 2020 pero tanging sila lamang ang makapagbibigay ng kumpirmasyon.

Malabo naman na lumagay sa tahimik ang dalawa bago mag-babu ang 2019 dahil ang kapatid na babae ni Matteo ang ikakasal sa susunod na buwan at maid of honor si Sarah.

Pero in case na next year na ang pag-iisang dibdib nila, tiyak na ito ang magiging wedding of the year dahil excited ang lahat para sa bagong chapter ng buhay ni Sarah.

Si Matteo ang unang boyfriend ni Sarah kaya naalaala ko ang payo noon ni Mommy Divine na hangga’t maaari kung sino ang unang boyfriend niya, ito rin sana ang dapat na maging asawa ng kanyang anak.

Dahil engaged na sila ni Matteo, obvious na sinunod ni Sarah ang payo ng nanay niya. Kung sino ang first boyfriend niya, ito ang lalake na kanyang pakakasalan.

Mabait at masunurin talaga na anak si Sarah. At least, napatunayan ni Mommy Divine na tama ang ginawa niya na paghihigpit kay Sarah dahil kahit sikat na sikat ito, nakikinig pa rin siya sa mga payo ng kanyang mga magulang.

Ibang-iba si Sarah sa mga sumikat na showbiz personality na napariwara ang buhay dahil nabulag sa kinang ng stardom at hindi na iginalang ang kanilang ama at ina. Si Sarah talaga ang perfect na role model ng mga kabataan.

Kapatid ni Matteo tuwang-tuwa sa engagement

Ang cute naman ng kuwento tungkol kay Paolo, ang younger brother ni Matteo na tuwang-tuwa dahil engaged na ang kanyang kuya sa girlfriend nito.

May kuwento kasi na ibinuko ni Paolo na one year nang engaged sina Sarah at Matteo pero noong Huwebes lamang umamin.

Botong-boto kay Sarah ang buong pamilya ni Matteo kaya welcome na welcome siya bilang new member ng Guidicelli clan.

Kahit naman mag-asawa si Sarah, Sarah G. pa  ang rin tawag sa kanya dahil letter G din ang first letter ng apelyido ng lalake na pinili niya na makasama sa habambuhay.

MATTEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with