Ikakasal na aktres iniwan sa pamilya ang mga naipon
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

Pinagkukuwentuhan sa isang malaking umpukan ang nalalapit nang pagharap sa altar ng isang pamosong showbiz couple. Maraming maligaya para sa kanila lalo na para sa magaling na singer-actress.

?Walang kumuwestiyon sa kanilang relasyon, pinatunayan na nila sa buong mundo kung gaano nila kamahal ang isa’t isa, pero may nasilip na kuwento ang mga nandu’n tungkol sa kanilang pagtataling-puso.

?May nagtanong na source, “Paano kaya ang naging usapan ng magkabilang pamilya? Katulad kaya ‘yun nu’ng isang singer-actress din nu’ng magpakasal sila ng boyfriend niya?

?“Ang nangyari kasi nu’n, lahat ng kinita ng girl, e, iniwanan niya sa family niya, ganu’n ang naging usapan. Walang dinala ang girl, nasa parents niya ang lahat ng naipon niya.

?“Okey lang naman ‘yun sa napangasawa niya, meron naman kasing hanapbuhay ang guy, saka mayaman ang pamilya nila. ‘Yun ang totoo, iniwanan ng singer-actress ang lahat ng ipon niya sa family nila,” paliwanag ng impormante.

?Kung ganu’n din ang naging usapan ng mga pamilya ngayon ng magkarelasyong malapit nang magpakasal ay wala ring problema. Hindi ‘yun pagtatalunan ng magkabilang kampo.

?Sabi naman ng isang source sa umpukan, “Naku, kalat na ang kuwentong sinigurado ng pamilya ng girl na hindi siya basta gagamitin lang ng male personality, di ba?

?“Nagpaimbestiga ang family ng girl tungkol sa estadong kabuhayan showcase ng guy. Sila mismo ang nakapagpatunay na mas may datung pala ang pamilya ng lalaki!

?“Sobrang yaman pala ng pamilya ng lalaki, lahat ng pinagtanungan ng nag-iimbestiga, e, nagsabing sobrang ganda ng buhay ng angkan ng male personality.

?“’Yung kinatatayuang place ng imbestigador, lupain pala ‘yun ng family ng male personality, ang mga palaisdaan sa siyudad nila, halos pag-aari rin ng angkan ng guy!

?“Kaya kung iwanan man ng girl ang lahat ng naipon niya sa family nila, e, walang problema! Kanilang-kanila na‘yun, may pera ang male perso­nality, bukod pa sa napakayaman ng kanilang family!

?“Ang mahalaga, e, magpapakasal na sila, panahon na para naman sila lumigaya, lalo na ang girl na parang bird in a golden cage nu’n na walang karapatang makipag­relasyon!” pagtatapos ng aming source,

?Ubos!

Morisette naghukay ng sariling libingan

Negang-nega ang imahe ngayon ng magaling na singer na si Morissette Amon. Nakakabangon na sana siya mula sa kontrobersiya nilang mag-ama pero biglang gumawa ng hindi kagandahan ang singer, nag-walkout siya sa concert na ipin­rodyus ng kasamang Jobert Sucaldito nu’ng nakaraang Miyerkules nang gabi, sa dahilang siya lang ang makauunawa.

?Nasaktan daw si Morissette sa interview sa kanya ni Mario Dumaual, itinanong daw kasi sa kanya ang estado ngayon ng kanyang pamilya at ng lovelife niya, kaya sobrang sakit daw ang naramdaman niya.

?Napaka-unprofessional pala ng singer na ito! Natanong lang tungkol sa kanyang pamilya, nag-walkout na siya sa isang tinanguang kompromiso, hindi man lang niya naisipang kahihiyan ng producer ng concert na tinanguan niya bilang guest.

?Alam kaya ni Morissette ang kasabihang the show must go on? Ilang buwan na ang nakararaan ay nagprodyus kami ng concert ng The OPM Hitmen, sa Music Museum din. Isang gabi bago ang concert ay pumanaw ang ama ni Rannie Raymundo.

?Alalang-alala kami, paano makapagpe-perform si Rannie kung ganu’n ang sitwasyon, namatayan ito ng ama na puwedeng makaapekto sa kanyang performance.

?Pero hindi ‘yun naging dahilan para hindi mag-show si Rannie Raymundo, kumanta at sumayaw ito na parang walang matinding pagdadalamhati ang kanyang pamilya, ganu’n ang propesyonal na singer.

?Itong si Morisette, natanong lang tungkol sa kanyang pamilya, nag-walkout na sa show? Paano ang mga bumiling tickets, hindi man lang ba niya pinagmamalasakitan ang producer ng show, napaiyak na lang si Jobert sa sobrang sama ng loob sa ginawa ni Morissette.

?Napakasimple na lang ng hinihingi sa kanya ni Jobert, magpakita man lang sana siya sa audience, kundi niya na ka­yang kumanta o magsalita dahil “devastated” daw siya.

?Pero hindi ginawa ‘yun ng magaling pa namang singer, pagkatapos niyang iuntog-untog ang kanyang noo sa dingding, tumatakbo siyang umalis ng venue nang nakasimangot.

?Ewan kung anong paliwanag ang gagawin ni Morissette Amon sa kanyang ginawa. Maraming nagagalit sa kanya, pinayuhan nga siya nina Tita Daisy Romualdez at Tita Annabelle Rama na bumalik na lang sa Cebu at magtinda na lang ng isda!

?Si Morissette Amon ang naghukay ng kanyang libingan ng kahihiyan, siya rin ang dapat gumawa ng paraan para mapaglubag ang loob ng kanyang producer, lalo na ng mga kababayan nating bumili ng ticket para mapanood siya.

?Ano na ba ang nangyayari sa babaeng singer na ito? Totoo bang hindi kagandahang impluwensiya sa kanyang buhay at career ang kanyang boyfriend?

 

AKTRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with