Boss Mike, Kisses at Rams
Kisses nasa manager na nina Marian at Maine
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

Ipinakilala kahapon ng Triple A o All Access to Artists, Inc. si Kisses Delavin, ang bagong talent na idinagdag sa kanilang kuwadra at magiging Kapuso na rin.

May mga isyung pinagdaanan si Kisses sa kanyang career lalo na sa loveteam nila ni Donny Pangilinan at nanahimik na ito. Pero hindi naman daw iyun ang dahilan kung bakit siya lumipat ng management group.

Pagkatapos palang mag-expire ang kontrata niya sa Star Magic at sa ABS-CBN nakipag-usap na siya kina Rams David sa APT nung nagkasama raw sila ni Marian Rivera sa isang fashion show.

“Gusto ko lang po mag-explore more. Pero at the end of the day, I’m always thankful for everything that I’ve achieved through the help of PBB where I started.

“So, I’m so thankful for them,” unang pahayag ni Kisses nang tinanong siya kung ano ang dahilan nang ‘di niya pag-renew sa Star Magic.

“I feel very blessed kasi… I feel that APT is a very personal management…would really care for its talents. So, I’m so excited for what’s to come and I feel very grateful na finally alaga na po ako nina Tito Rams and direk Mike (Tuviera),” dagdag niyang pahayag.

Medyo matagal daw nilang pinag-usapan kasama ang magulang ng young actress, pero naging magaan daw lahat sa kanila dahil feeling daw niya tama ang desisyon niyang ang Triple A na ang hahawak sa kanyang career.

“I think the deciding factor for me is when….nakita ko sila, I felt like may future family ako in showbiz. That’s what I thought.

“Marami kasing opportunities everywhere and there are so many doors na open for you. So, you have to follow your heart…kasi yung heart mo knows what’s good for you. So, I felt like I’ll just listen to my heart and yun tinuro yung APT. I have to follow it,” sabi pa niya.

Nagpaalam daw siya sa ABS-CBN at maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.

“Personally po ako nagpunta ako sa office ng Star Magic and everyone from the higher boss to all the staff na nakasama ko, pinasalamatan ko po sila. Gusto ko pong sabihin sa kanila na no matter what, I’m always thankful for them.

“Nagpasalamat po ako sa lahat na naging blessings for me. Kasi I’ve been there for two years. Naging maganda po yung career and naka-experience po ako ng maraming masasayang bagay. So. I really wanted to thank them,” sabi pa ni Kisses.

Wala pang plano kung ano ang gagawin ni Kisses sa GMA 7 dahil dadalhin pa lang daw siya sa bosses ng GMA 7.

Hindi pa raw nakilala ni Kisses ang ibang Kapuso artists, kaya hindi pa raw niya masabi kung sino ang gusto niyang maka-partner.

Okay naman daw siyang magka-loveteam uli pero pag-uusapan pa raw nila ito sa Triple A.

So far, ang binanggit pa lang ni direk Mike Tuviera ay may tatlong pelikula siyang naka-line up sa APT Entertainment.

“Naglatag kami kay Kisses ng plano and we always respect ng opinion ng artist.

“Kami kasi merong latag na ito sana ang gusto naming gawin, eto ang plano namin, what do you think.

“So, naglatag kami ng ganun, pero medyo…may ibang aspeto na sinesikreto pa rin namin sa kanya kung sino ang makaka-partner niya and all that,” pahayag ni direk Mike Tuviera.

Guwapong hunk actor walang pakundangan kung magmura!

Isinusumpa na raw ng production staff itong guwapong hunk actor na isa sa mga bida sa isang drama series.

Hindi na raw nila kasi ma-take ang dumi ng bibig nito na kapag magmura, ganun-ganun na lang.

Iniiwasan na raw itong ipag-drive ng mga driver ng service nila sa taping dahil kung tratuhin daw sila akala mo siya ang nagpapasuweldo.

Hindi raw kasi niya dinadala ang kotse niya, kundi sumasabay siya sa service ng production.

Minsan daw na pack-up siya nang maaga, sumakay na agad sa service niya pero wala pa pala roon ang driver niya.

Nagalit na raw ito agad at nagmumura na raw sa staff na inutusan niyang hanapin yung driver.

Pagdating ng driver, pinagmumura rin niya ito. Kaya sa mga susunod na taping, inaalam daw muna ng ilang driver kung siya ang isasakay para tanggihan na nila.

Minsan ay na-pack up din daw ang taping nila dahil naki­pagmurahan daw ito sa direktor nila.

May eksena raw na pinaulit-ulit sa kanya ng direktor dahil hindi raw nakukuha ang instruction.

Napamura raw ito ng “t***na paulit-uit!” Narinig iyun ng direktor kaya pinuntahan siya para tanungin kung siya ba ang minumura nitong aktor.

Sabi niya, hindi naman daw para sa direktor. Napamura lang daw siya dahil ilang beses daw itong pinagawa sa kanya.

Siyempre, sinabi ni direk na hindi naman nasusunod ang pinapagawa niya kaya pinapaulit niya ito.

Nagtalo raw sila hanggang sa nagmurahan na raw silang dalawa.

Kaya ang ending, na-pack up ang taping. Mangiyak-ngiyak daw ang executive producer nila dahil sa rami ng mga eksenang na-drop.

Yumabang na kaya itong si hunk actor kaya ganun na ang attitude niya sa mga katrabaho niya?

 

KISSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with