Bianca
Bianca kailangan ng dobleng emotional strength!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

Isa si Bianca Umali sa mga artista ng GMA-7 na very expressive at ang ganda ng story niya na isang orphan na pinalaki ng lola.

Sa kinalalagyan niya ngayon, sure ako na hindi tulad ng normal teenstars na may nanay at tatay, mas doble ang emotional strength na kailangan ni Bianca while growing up kaya maganda para sa kanya na inaalagaan siya ng GMA Artists Center dahil parang mga nanay at older sisters ang mga handler at manager niya sa team.

Hanga ako kay Bianca dahil isa siyang babae na mukhang kayang-kaya ang mga intriga sa kanyang paligid. Nadadala niya nang maayos ang anumang problema na dumarating sa kanya.

Bianca is turning to be a good actress dahil na rin sa emotional turmoils na nilalabanan niya na mag-isa bilang ulila na nga siya sa mga magulang.

Go Bianca Umali conquer the world. Kaya mo ‘yan dahil marami ang nagmamahal sa’yo.

Former actor na si Michael Locsin successful businessman sa Bangkok

Naku Salve, sayang ‘di ka nakahabol sa lunch with Papa Juancho at Mama Pinky Tobiano dahil juicy ang mga kuwentuhan.

Marami ang off the record at talagang latest ang news. Halos lumuwa mga mata ko sa katatawa dahil ang daming off the bit news na lumabas.

At natuwa ako, friend pala nina Papa Juancho at Mama Pinky si Michael Locsin, ang former actor at member ng That’s Entertainment ni Kuya Germs (German Moreno).

Isa nang successful businessman si Michael at kasal sa non-showbiz na maganda, base sa pictures na kuha sa Bangkok na ipinakita sa akin ni Mama Pinky.

Nakakatuwa kapag may mga artista na nagtagumpay sa ibang larangan tulad ni Michael Locsin. Thank you Papa Juancho and Mama Pinky for that wonderful lunch. Love you.

‘Kung panay ang puna mo, dapat may alam ka na solusyon’

Type ko ang ginawa ni President Rodrigo Duterte. Tama ang sinabi niya na kung panay ang puna mo, dapat may alam ka na solusyon.

Kung madalas ang pagsasabi mo na mali ang ginagawa ng isang tao, dapat ipakita mo ang tama na solusyon.

Actually, shocked tayong lahat na ganoon pala kalaki ang problema natin sa droga na da­ting nakatago at hindi nalalaman ng publiko.

Nagulat pa tayo na ganoon katalamak at kalaki ang problema sa illegal drugs na natuklasan mula nang manungkulan si Papa Digong.

Kapag ganoon kalala ang problema, imposible na wala talagang maging casualty. Totoo na may mga naging collateral damage pero kamay na bakal ang kailangan para masugpo ang mga problema sa illegal drugs.

Imposible na walang tamaan, imposible na walang masaktan dahil violent ang mga kalaban kaya marami sa mga pulis at military ang  nasaktan at namatay.

May mga nadamay na inosente sa war on drugs na hindi naiwasan dahil kailangan na maging mahigpit para matakot ang mga drug pusher at drug addict.

Ngayon, kung ayaw ng mga kritiko ni Papa Digong ang sistema nito sa pagpuksa sa problema sa illegal drugs, kung ikaw ang may better idea, eh di ikaw ang gumawa.

Ayaw n’yo ng ginagawa ko o hayan, ipakita mo na mas maga­ling ka at mas alam mo.

Mas mahusay ka sa akin, ikaw ang lumutas ng problema kaya bago ka maghanap ng masisisi, bago ka magsabi na mali ang ginagawa ng leader mo, mag-isip ka muna.

May solusyon ka ba? Kaya mo ba? Mas may magagawa ka ba? Mas marunong ka ba? Now ready ka na? Do it. Prove it. Bongga ka Papa Digong, type ko ‘yan!

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with