Marian
Marian binenta na ang mga hermes bag at branded na damit!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

Ipinagmamalaki ni Marian Rivera na pawang local products na ang ginagamit niya ngayon.

Kapansin-pansing hindi na siya nagsusuot ng mga imported na damit. Kaya kinumusta namin sa kanya kung nasaan na ‘yung mga mamaha­ling signature bags niya.

“Wala na siya, tapos binili ko ng mga katutubong damit,” sagot ni Marian sa amin nang tinanong namin kung pinagbebenta na ba niya ang mga mamahalin niyang gamit.

Feeling daw niya kasi, tapos na siya sa mga panahong nagkahilig siya sa mga imported na gamit.

“Nawala na eh. Siguro nasabi ko na pag may pagkakataong may konting pambili, makabili ka ng medyo branded, pero sabi ko what for?” sabi pa ng GMA Primetime Queen.

Kahapon sa renewal ng kontrata niya bilang brand ambassadress ng Beautéderm Home, ipinagmamalaki ni Marian na pawang local products na ang ginagamit niya, ang sinusuot niya kahit pati raw ang mga anak niyang sina Zia at Ziggy.

“Para mas makabuluhan siguro ang pagsusuot ko ng damit kung…alam mo yun. “Namulat kasi ang mata ko nung ini-endorse ko talaga yung Kultura. “Nakita ko kung gaano kaganda at galing ng Pinoy sa  paggawa ng iba’t ibang klaseng produkto. “Ngayon mas makabuluhan ang mga sinusuot ko kasi gawang Pinoy siya,” pahayag ni Marian.

Kaya masaya rin si Ms. Rhea Tan ng Beautéderm dahil ang laki raw talaga nang nabago ni Marian sa Beautéderm ngayong magti-10 years na ito.

Talagang ginagamit daw niya kasi ang mga produkto ng Beautéderm Home na nakita raw niya ito kapag dumadalaw siya kina Marian.

Halos lahat pa raw na personal na ini-endorse ni Marian ay mabenta rin sa market. Kaya bago matapos ang taong ito aabot na raw sa 100 stores ang Beautéderm sa buong bansa, pati sa ilang Asian countries. Pahabol nga ni Marian, magiging 101 na ito dahil malapit na ring buksan ang Beautéderm store ng Mommy niya sa Cavite.

Samantala, gusto na lang ni Marian na magpaka-positibo kaya masaya rin siyang ikinuwento sa amin ang pagkakaayos nila ng dating manager niyang si Popoy Caritativo.

Hindi raw niya nakakalimutan ang dating manager na Momshie ang tawag niya, na pinagkautangan niya nang loob. Pinagdasal daw niya nang husto na dumating ang araw na magkaayos silang dalawa.

“Sabi ko nga si Popoy talaga ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko,” pakli niya.

Hindi na niya idinetalye kung paano sila nagkaayos, pero nagpatulong daw siya kay Dennis Trillo na siyang nagtulay sa kanilang dalawa.

“Si Dennis kasi ang isa mga dahilan. Humingi ako ng tulong kay Dennis. Nagkita kami sa Avon, Kinulit ko siya nang kinulit. Sabi ko kay Jennylyn, ‘Jennylyn ha? Paalala mo yan kay Dennis.“Binigyan naman ng pagkakataon. Nakuha sa matinding pagdadasal ng ilang taon. “At least ano din…talagang maghihintay talaga ng tamang panahon para maghilom ang mga bagay na…basta sobrang happy ako na nakita ko siya uli,” seryoso niyang pahayag.

Dagdag pa niyang kuwento ay nagkaayos na rin sila ni Lovi Poe nang mag-guest ang Kapuso actress sa Sunday PinaSaya nung nakaraang Linggo.

Wala naman daw silang away ni Lovi, kaya nung nagkita sila sa Sunday PinaSaya, mahigpit daw silang nagyakap at nagkaka-text na sila sa isa’t isa pagkatapos nilang magkita.

Morissette pinag-uuntog ang ulo sa padir nang pag-usapan ang tatay

Isa sa pinag-usapan sa mediacon ng Beautéderm kay Marian ay ang pag-walk out ni Morissette Amon sa birthday concert ng baguhang singer na si Kiel Alo na ginanap sa Music Museum nung nakaraang Miyerkules nang gabi.

Nasaksihan ng audience at nakunan ng ilang bloggers ang pag-alis ni Morissette na parang galit na galit nang mag-apologize ang manager ni Kiel na si Jobert Sucaldito sa stage kasama ang handler ni Morissette na si David Cosico.

Inilahad lahat ni Jobert ang nangyari na kung saan in-interview daw ni Kuya Mario Dumaual si Morissette na maayos naman daw ang interbyuhan.

Pero pagkatapos ng interbyung iyun, nag-iiyak na raw si Morissette sa dressing room at inuuntog pa ang ulo sa dingding.

Kaya hindi na raw kayang kumanta.

Kahit anong pakiusap, hindi na kakanta si Morissette, kaya sina Jobert na ang humingi ng paumanhin sa audience at ipinakiusap na sumilip lang si Morissette para mapatunayang nandun siya. Hindi na nga niya kayang kumanta.

Nakita ng audience na umaalis na si Morissette na parang galit na galit. Kaya na-offend na rin ang mga nanonood at nagagalit na nga roon sina Tita Annabelle Rama at Daisy Romualdez sa ipinakita ng magaling na singer.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with