Zia
Zia hindi sasanayin sa social media
(Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

SEEN: Nag-renew kahapon ng kontrata si Marian Rivera bilang celebrity ambassador ng Reverie by Beautéderm Home. Sinabi ni Beautéderm President and CEO Rhea Anicoche-Tan na nag-triple ang sales ng Reverie home scents dahil effective na endorser si Marian.

SCENE: Si Dingdong Dantes pa rin ang gusto ni Marian na makapareha sa teleserye. Anim na taon na ang nakalilipas mula nang magtambal ang mag-asawa sa Beloved, ang 2012 primetime television series ng GMA-7.

SEEN: May plano sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ilayo si Zia sa social media dahil gusto nila na magkaroon ng normal na pamumuhay ang kanilang panganay na anak. Tanggap ni Marian na mas sikat pa ngayon si Zia kesa sa kanilang dalawa ni Dingdong.

SCENE: Ibinalita ni Rhea Tan sa contract signing kahapon ni Marian Rivera na magkakaroon ng Beautéderm sa New Zealand sa susunod na taon.

SEEN: Matatagalan pa ang muling pagbibida ni Marian Rivera sa teleserye dahil may usapan sila ni Dingdong Dantes na hindi nila pagsasabayin ang trabaho para may maiiwan at mag-aalaga sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

SCENE: Natuwa si Rhea Tan nang pumunta siya sa bahay nina Marian at Dingdong dahil nakita niya sa bawat sulok ng tahanan ng mag-asawa ang Beautéderm Home diffusers.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with