Ruru
Ruru at Bianca gumimik?!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

Kaloka naman ang balita na muntik na raw masagasaan si Ruru Madrid ng sasakyan na minamaneho ni Bianca Umali dahil sa sobrang selos nito.

Mabilis na kumalat ang balita na nangyari noong Martes sa parking lot ng SM Megamall pagkatapos ng premiere night ng Cara X Jagger.

May mga naghihinala na gimmick ang kuwento para sa publicity ng pelikula nina Ruru at Jasmine Curtis Smith na nagbukas kahapon sa mga sinehan pero walang katotohanan ang tsismis.

Mismong ang tatay ni Ruru na si Bong Madrid ang makapagpapatunay dahil nasaksihan niya ang buong pangyayari. Napaiyak nga raw si Bong nang makita nito ang ginawa ni Bianca sa kanyang anak. Normal na masaktan ang mga magulang kapag nakikita nila na inaagrabyado ang kanilang mga anak na pinalaki, inalagaan at mahal na mahal.

Beauty industry nabigla sa Beautederm!

Naku ha, lalong maiinggit ang mga ‘silent’ kalaban ni Rhea Tan ng Beautéderm. Imagine, sa loob ng isang linggo, dalawa ang presscon ng Beautéderm at sa sosyal na hotel ang venue, hindi sa pipitsugin na lugar.

Sa bilis ng pag-akyat ng Beautéderm sa ladder of success, nabigla ang beauty industry sa husay ni Rhea sa marketing dahil ito ang talagang expertise niya.

Marami ang na-shock nang kunin ni Rhea si Marian Rivera bilang endor­ser ng Beautéderm Home products tulad ng kandila at scent diffuser.

May Marian Rivera ang Beautéderm Home na malakas ang hatak sa mga consumer at bagay na bagay sa kanya ang mga product na in-endorse niya, being a young wife and mother of two. Alam din ng lahat na homebody si Ma­rian kaya credible siya na ambassador ng Beautéderm Home.

Dahil may mga celebrity ambassador siya mula sa ABS-CBN, kumuha rin si Rhea ng mga beauty ambassador mula sa GMA-7 na ipapakilala naman niya sa darating na Sabado.

Hay naku, sa dami ng outlets at ambassadors of beauty ng Beautéderm, kainggit- inggit nga si Rhea pero hindi dapat kalimutan ang wind beneath her wings, kanyang mabait na husband na si Papa Sam na sure ako na lucky charm niya. Perfect people chemistry, winning combination, Sam and Rhea, beauty talaga, Beautéderm na tunay.

Mga asawang hindi marunong magluto, may solusyon na

Para sa mga hindi marunong magluto, naisip ni Gunn Roque ng Vanilla Pastry shop na maglabas ng pre-cooked meal pro­ducts para mabawasan ang pagod ng working mothers.

Maraming choices sa pre-cooked meals ng Vanilla Pastry shop na iinitin na lang pagdating sa bahay. Hindi na kailangan na problemahin ang pagpunta sa palengke at magluto na maraming oras ang kailangan.

Being practical at dahil limited ang oras ng bawat maybahay, big deal talaga ang naisip ng loving husband ni Cris Roque na si Gunn.

BIANCA UMALI RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with