Mga sine matumal pa rin!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

Kahapon ang first day of showing ng Cara X Jagger nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid.

Katapat nito ang Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson.

Okay ang feedback sa Cara X Jagger na nagkaroon ng premiere night sa SM Megamall nung nakaraang Martes nang gabi.

Marami nga ang nagulat na may chemistry raw pala sina Ruru at Jasmine.

As of presstime, wala pa kaming nakukuhang resulta sa box-office, dahil sa napapansin namin, medyo matumal ang pasok ng mga tao sa mga sinehan kahapon dahil na rin siguro sa padating na bagyong Quiel.

Magsisimula na rin ngayon ang Cinema One Originals at meron pang ilang foreign films na mapapanood sa ilang filmfest na nagsimula kahapon.

Samantala, bentang-benta pa rin ang kantang Buwan ni JK Labajo.

Katatapos lang nito sa Isa Pa With Feelings, at narinig uli namin sa pelikulang The Art of Ligaw na kinanta mismo ni JK Labajo na sinasabayan ni KZ Tandingan habang pinapanood niya ito.

Ewan ko lang kung nagamit din ito sa ilang indie films na ipalalabas ngayon sa Cinema One Originals.

Pero sikat pa rin ang kantang ito. Kaya lang wala nang kasunod na hit song si JK, at parang mas sikat pa sa kanya ngayon ang Buwan niya.

Pinag-iisipan na raw ngayon ng isa pang kanta na posibleng pasisikatin pa ni JK.

KZ hindi kayang gawin ang tulong ni Angel

Nagpasalamat si KZ kay Angel Locsin sa mga tulong na ibinigay nito sa mga kababayan niya sa Cotabato.

Pumunta roon si KZ nung nakaraang Lunes dahil apektado rin pala ang pamilya niya sa nakaraang lindol, pero mabuti lang at hindi naman daw nasira ang bahay nila.

Taga-Digos, Davao del Sur si KZ at isa ito sa sinalanta ng malakas na lindol.

Sobrang nag-worry lang daw siya sa isa niyang kapatid dahil buntis pa raw ito.

Bilang engineer ang daddy niya, tumutulong daw ito sa mga inaayos sa lugar nila na sinira ng lindol.

Doon daw niya nalaman na nauna pa palang pumunta roon si Angel Locsin at ang dami raw na ipinamigay na tulong.

“Hindi ko po kakayanin sa grabeng binigay ni Ms. Angel.

“Miss Angel, maraming salamat po pala sa inyong pagpunta doon. Alam ko galing pa kayo sa Halloween party, pero dumeretso kayo dun,” mensahe ni KZ sa Kapamilya actress.

Babalik sa Davao sina KZ para naman sa premiere night ng pelikulang The Art of Ligaw nila ni Epy Quizon na magsu-showing na sa November 13.

JASMINE CURTIS-SMITH RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with