^

PSN Showbiz

Vice Ganda hinamon ang ‘Son of God’ na patigilin ang Probinsyano at traffic sa EDSA!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice Ganda hinamon ang �Son of God� na patigilin ang Probinsyano at traffic sa EDSA!
Pastor Apollo Quiboloy

MANILA, Philippines — Hinamon ni Vice Ganda si Pastor Apollo Quiboloy sa It’s Showtime kahapon na kung totoo ang sinasabi niyang siya ang nagpatigil ng lindol sa Mindanao ay pakialaman na rin niya ang Ang Probinsyano ni Coco Martin at ang traffic sa EDSA.

Ayon sa star ng It’s Showtime, “Alam mo kung sino ang magiging pinaka­matinding kalaban ni Cardo? Naku, kabahan na si Cardo. Feeling ko si Quiboloy, ‘yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng ‘Probinsyano.’ Abangan n’yo ‘yan,” na ikinatawa ng audience ng noontime show ng ABS-CBN.

“Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang n’yo pala eh.

“Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon.”

Hahaha.

Nag-trending ang kilalang pastor na nagpapakilalang Appointed Son of God at leader ng Davao-based religious group na Kingdom of Jesus Christ nang sabihin nitong malaki ang nagawa niya para mapatigil ang malakas na lindol na 6.6 magnitude sa Mindanao. 

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with