Take It… mag-iisang taon na!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2019 - 12:00am

Happy Tuesday kahapon dahil nagkita tayo nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa online show, ang Take It Per Minute (Me Ganun).

Looking forward kami nina Cristy at Mr. Fu sa pagdating ng Tuesday dahil naging habit namin ang pagpunta sa Obra ni Nanay.

Kaloka kapag may absent sa amin dahil talagang nami-miss namin.

Imagine, hindi namin nararamdaman na malapit nang mag-isang taon ang Take It…Per Minute (May Ganun) dahil 38-weeks na ang aming show, konting tumbling na lang, one year na.

Sayang dahil kung hindi nasunog ang Star City, ito sana ang venue ng first anniversary celebration ng Take It…Per Minute.

Malayo naman ang Enchanted Kingdom at hindi mo naman afford Salve na dalhin kami sa Disneyland o Universal Studio kaya sure ako sa Obra ni Nanay pa rin ang celebration natin.

Hindi bale, sigurado ako na marami ang magpapadala ng food at giveaways sa anniversary ng Take It…Per Minute.

Sobrang advance talaga ng imagination ko, 38 -weeks pa lang ang aming online show, tumalon na agad ako sa 1st year celebration kaya sure na maloloka ako sa kaiisip ng anniversary presentation natin. Guest natin si Jo In-sung ha, please!!!

Paolo nawalan ng mga taong ‘mabibigat’ sa buhay

Nakita ko sa anniversary presscon ng Bubble Gang noong Lunes ang camaraderie ng buong cast.

Very close at comfortable sila sa isa’t isa. Para na silang magkakapatid dahil sila ang magkakakilala at magkakasama sa loob ng 24-years. Alam na alam na nila ang personalidad ng bawat isa, pati na ang mga nag-graduate na cast members ng Bubble Gang.

Nakita ko how Paolo Contis immediately blended with the group nang mapasali siya sa cast ng Bubble Gang.

In fairness, madaling mapalapit si Paolo sa kahit na sino dahil wala siyang attitude problem, very friendly, at hindi sa pagyayabang, mahusay makisama.

Palibhasa bata pa artista na, kaya alam na alam niya ang kalakaran sa movie at television set.

Ang people chemistry lang ang hindi napag-aralan ni Paolo dahil kung minsan, pumapalpak siya.

May mga tao kasi na mabigat noon sa buhay niya na naging sagabal din sa pagtaas at pagbongga ng kanyang career.

Maging mapayapa na sana ang buhay ni Paolo at walang balakid sa landas na tinatahak niya, lalupa’t talented siya na artista and a good person.

Likas na mabait si Paolo kaya nakakabangon siya kahit ilang beses na nadarapa. Isa ang Bubble Gang sa magandang influence sa buhay niya. Salamat at napasali siya sa grupo. Congrats Bubble Gang, more years to celebrate!

Marian may renewal sa Beautederm

Magkakaroon ng bonggang renewal si Ma­rian Rivera bilang ambassador ng Beautéderm Home.

Ang renewal ng kontrata ni Marian sa Beautéderm Home ay patunay lang na effective endorser siya kaya tuwang-tuwa si Rhea Tan, ang big boss ng Beautéderm.

Maraming puwedeng itanong kay Marian sa muling pagharap niya sa entertainment press, lalo na ngayon na in demand na rin sa mga product endorsement ang mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy.

Malay natin, baka dumating ang araw na maging cele­brity endorsers na rin ng Beautederm sina Zia at Ziggy.

CRISTY FERMIN MR. FU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with