Yen
Yen handang pumatol sa tibo
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2019 - 12:00am

Wala umanong problema kay Yen Santos kung sakali mang magmahal siya o magkarelasyon sa isang tomboy o bakla. Para sa aktres ay hindi naman dapat maging hadlang ang kasarian ng isang tao upang mahalin ito. “Hindi ka naman nai-inlove dahil sa babae o lalaki siya. Marami akong kaibigang ba­ding at may kakilala ako na lesbian ang karelasyon. So nakikita kong may true love. Nagkakaroon ng true love sa dalawang babae at dalawang lalaki. Kaya ko po nasabi ito kasi baka bukas may ma­ kilala kang lesbian na bigla kang ma-in love. Kasi binibigyan ka ng tamang pagmamahal na hindi mo nakukuha sa iba sa mga naging past mo, ‘yung mga gano’n po,” paliwanag ni Yen.

Ayon sa dalaga ay may nagkagusto na rin sa kanya na ilang lesbian noong bata pa siya. “Siguro po no’ng grade school may mga nagpapa-cute pero hindi naman seryoso,” pagtatapat ng aktres.

Sa November 13 ay ipala­labas na sa mga sinehan ang pelikulang Two Love You na pinagbibidahan nina Yen, Kid Yambao at ang mga komed­yanteng sina MC at Lassy. May kissing scenes sina Yen at Kid sa naturang pelikula na kinailangang putulin dahil malaswa umano ang kinalabasan nito. “R-13 kasi ang habol namin sa MTRCB. (Movie and Television Review and Classification Board) Two takes lang naman ‘yon. Hindi namin in-expect na ‘pag pinanood na, hindi puwede sa bata. Sobrang laplapan daw kasi. Wala namang lumabas na dila o laway o kahit na ano. Tapos ‘yon nga pagkapanood ni Mama Ogie (Diaz, producer ng pelikula), sabi sa akin, ‘Uy! Masyadong ano ‘yung kissing scene n’yo ni Kid, pina-edit ko,’” nakangiting kuwento ni Yen.

Jairus ayaw magsalita sa issue ng bullying

Kamakailan ay isiniwalat ni Alexa Ilacad ang ginagawang pambu-bully diumano sa kanila ni Jairus Aquino nina Nash Aguas, Sharlene San Pedro at ilan pang mga kasamahan noon sa Goin’ Bulilit. Nabanggit din ni Alexa sa pahayag na kahit noong kanilang kabataan pa lamang ay nakararanas na siya ng pambu-bully sa ilang mga nakasama sa nasabing programa. 

Para naman kay Jairus ay hindi na niya kailangang magsalita tungkol sa isyu. 

“Alam n’yo kasi kung maglalabas ako ng sarili kong istorya, may kanya-kanya pa rin kayong paniniwalaan eh, ‘yung mga tao. So kung maglalabas pa po ako ng istorya, lalo pang magkakagulo. So hindi na lang. Kung ano ‘yung kaya nilang paniwalaan, kung si Alexa meron siyang pinaniniwalaan, may pinaniniwalaan ako, may pinaniniwalaan ‘yung dalawa sa kabilang panig, okay lang,” makahulugang pahayag ni Jairus.

Ayon sa aktor ay wala siyang sama ng loob kahit na kanino man kina Alexa, Nash o Sharlene. “Wala naman po akong masamang tinapay simula’t sapul eh. Ayaw ko na pong magsalita. Ang gusto ko pong sabihin, sana po tigilan na natin ‘to. Masaya po ako sa buhay ko, sa trabaho po na meron ako,” giit ng binata. (Reports from JCC) 

YEN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with