Billy
Billy ‘di kayang i-give up ang pagpapa-tattoo
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2019 - 12:00am

Dalawang bisyo ni Billy Crawford ang kanyang tinanggal sa kanyang katawan, ang pag-inom at paninigarilyo na isang taon na umano niyang ginawa.

Ayon sa singer-actor-dancer-TV host, masarap at magaan ang kanyang pakiramdam ngayon na hindi na siya umiinom at naninigarilyo kaya naman masayang-masaya ang kanyang misis na si Coleen Garcia.

Ang hindi lamang matanggal ni Billy ang pagdami ng kanyang tattoo sa kanyang katawan.

Speaking of Billy, muli itong mapapanood sa isang panibagong talent competition in singing and dancing, ang Your Moment kung saan siya tatayong hurado along with Boy Abunda and Nadine Lustre to be hosted by Luis Manzano and Vhong Navarro.  At 37, handa na nga ba itong maging isang ama?

Barretto Sisters malabo pang humupa

Kailan kaya Salve A., huhupa ang galit sa isa’t isa ng Barretto sisters?

At kailan din kaya mawawala ang poot sa kanilang mga puso?

Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang wala kina Gretchen, Marjorie at Claudine ang gustong magbaba ng kanilang mga pride para humingi ng tawad sa isa’t isa at ibalik ang kanilang pagmamahalan bilang magkakapatid.

Hangga’t nababalot ng poot at galit ang kanilang mga puso, imposibleng mabuong muli ang kanilang pamilya na dati rati naman ay  buo, nagmamahalan at magkakasundo. Maging ang attention ngayon ng Barreto matriarch na si Estrella `Inday’ Barretto  ay nahahati rin sa magkakapatid na dapa’t sana’y pantay-pantay din ang pagmamahal sa kanila.

Ronnie naka-13 years na

Ngayong Biyernes na, November 8 at 8 p.m. magaganap ang concert ni Ronnie Liang sa Music Museum na pinamagatang Ronnie Liang: Love x Romance kung saan niya magiging special guests sina Sarah Geronimo, Ella Cruz at Janine Tenoso.

Ito bale ang kanyang selebrasyon sa kanyang ika-13th anniversary sa entertainment business magmula nang siya’y tanghaling 2nd placer ng Pinoy Dream Academy kung saan si Yeng Constantino ang tinanghal na grand winner.

Dalawang mahalagang okasyon ang nakatakdang mangyari sa buwang ito ng November para kay Ronnie. Una ang kanyang Music Museum concert on November 8 at pangalawa ay ang kanyang pagtatapos bilang piloto sa APG International Aviation Academy in Subic. At inaasahan ang pagdalo ng kanyang New York-based girlfriend na isang nurse at ng kanyang pamilya lalung-lalo na ang kanyang ama.

Grade IV noon si Ronnie nang sabihin niya sa kanyang ama na gusto niyang maging piloto matapos dumaan ang isang eroplano sa tapat ng kanilang bahay.  Ang pangarap na ito’y nanatili sa likod ng isipan ni Ronnie at hindi umano niya kinalimutan kahit napunta umano siya sa ibang field.

Gusto man niyang sorpresahin ang ama kung siya’y isa nang ganap na piloto pero nalaman din niya ito kaya napilitan na si Ronnie na ipagtapat sa ama na sobrang naiyak sa tuwa dahil hindi umano nito akailan na matutupad ng kanyang anak ang panganarap nito nung ito’y maliit pa. Nalulungkot lamang si Ronnie na wala na ang kanyang ina para saksihan ang kanyang pagtatapos sa pagka-piloto dahil pumanaw na ito may tatlong taon na ang nakakaraan.

Juday natutuwa sa mga pangyayari sa pelikula

Natutuwa si Juday sa pagiging posible ngayon ng pagsasama sa pelikula ng mga stars and talents na mula sa magkaribal na TV networks, ang Kapamilya at Kapuso.

Kamakailan lamang ay nagsama sa pelikula sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa highest local grossing film of all time, ang Hello, Love, Goodbye na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Nagsama rin sina Maine Mendoza at Carlo Aquino sa Isa Pa with Feelings movie under Black Sheep Productions na dinirek ni Prime Cruz at nakagawa na rin ng magkakahiwalay na pelikula sa Star Cinema sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

BILLY CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with