^

PSN Showbiz

Aga may pinatunayan sa Nuuk

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Aga may pinatunayan sa Nuuk
Aga

SEEN: Sinuportahan ni Donita Rose ang red carpet premiere ng Nuuk noong Lunes sa SM Megamall. Ang Nuuk ang psychological-suspense-drama movie na magbubukas ngayon, November 6, sa cinemas nationwide at pinagbibidahan nina Alice Dixson at Aga Muhlach.

SCENE: Si Veronica Velasco ang direktor ng Nuuk at totoo ang sinabi niya na ibang Alice Dixson ang mapapanood sa pelikula. Napiga ni Velasco ang acting ability ni Alice. To date, ang Nuuk ang pinaka-challenging role ni Alice, pinatunayan naman ni Aga na isa siya sa pinakamahusay na aktor ng bansa. Outstanding ang acting ni Aga sa confrontation scene nila ni Alice.

SEEN: Ang mga haka-haka na may kinalaman si Claudine Barretto sa social media post ng kanyang nanay na si Inday Barretto na nagpapatotoo na ito ang tinutukoy na Inday sa viral video ni Marjorie Barretto. Ibang-iba ang paraan ng pagsusulat ni Mrs. Inday sa post nito sa Instagram account ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual noong kainitan ng Bea Alonzo-Gerald Anderson-Julia Barretto controversy.

SCENE: Isang grand launch para sa GMA Artists Center stars ang inihahanda ng Beautéderm. Sina Camille Prats, Ken Chan, Pauline Mendoza, Rita Da­niela at Sanya Lopez ang mga bagong celebrity endorser ng Beautéderm.

SEEN: Ang pag-amin ni Miss World Philippines 2019 Michelle Dee na alam ni Ruru Madrid ang mga sikreto niya. Marami ang nagtataka dahil kahit close friends ang dalawa, hindi napabalita na niligawan ni Ruru ang co-star niya sa Cara X Jagger, ang pelikula ng APT Entertainment at Cignal Entertainment na mapapanood sa mga sinehan, simula ngayon, November 6.

SCENE: Misteryo para sa iba ang lovelife ni Michelle Dee na maganda, matalino at matangkad pero walang napapabalita na boyfriend o manliligaw. 

SEEN: Ang Pa-Macho Men ang contest na ipinalit ng Eat Bulaga sa Macho Men. Mga lalake na chubby ang mga contestant sa Pa-Macho Men na ikinatuwa ng mga hindi physically fit dahil nabigyan sila ng moment sa telebisyon.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with