_ngayon
^

PSN Showbiz

Marjorie tuloy na ang demanda kina Gretchen at Claudine?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Marjorie tuloy na ang demanda kina Gretchen at Claudine?!

Mental illness, naungkat!

Nawiwindang na ang mga sumusubaybay sa giyera ng magkakapatid na Barretto.

Hindi na nila alam kung sino ang seseryosohin.

Kahapon ay magkakasama na naman sina Gretchen, Claudine at si Mrs. Inday Barretto with Fr. Suarez. “With Father Suarez. Thank you po Father for your Prayers po? @gret­chenbarretto.”

Sunday lunch naman ay nasa pamilya ni Marjorie si Mrs. Barretto na ayon kay Claudine ay “yes she has lots of accounts po” na nire-refer ay ang IG account ng kanilang ina.

Nung Araw ng mga Kaluluwa nang unang nag-upload si Claudine ng video ni Marjorie sa hospital na parang sinasabi nitong sasapakin niya ang isang ‘inday’ na itinanggi niyang ang kanilang nanay, maid daw nila ‘yun. Pero sinabi ni Claudine na ang nanay nga nila ang tinutukoy nito. Sinabi pa ni Claudine muntik pang saktan physically ng kapatid niya ang kanilang nanay nung nakaratay pa ang kanilang ama sa hospital.

Nabura ang nasabing video pero pinalitan ni Claudine ng video sa TV Patrol interview ni Marjorie na sinasabing siya ay good daughter na kinontra ni Claudine.

Pero hindi ‘yun pinalampas ng nanay ni Julia. At base sa sagot niya, mukhang tuloy na ang laban nila sa korte.

 “PROVE this twisted story of yours in court. Prove that I have ever tried to physically hurt my Mother. And PROVE this was the argument that my Mom and I had about Julia giving 500k in exchange for the subic home. PROVE it.

“Because it was only when Dad was dead that Julia paid the 500k and so much more than any of us. And how we repeatedly Made it clear Julia was no buying the Subic house, long before Dad died, that was clear to all, all siblings knew that, you wrote it down in your paper, and you were recording it from your phone without our consent. You are making up this story.

“I will See you in court, the rest of the fami­ly will stand by me as witnesses,” buwelta ni Marjorie.

At dito na nakasali ang kanilang 82-year old na ina. May ipinost si Claudine na supposedly ay message ng kanilang mommy Inday na may user name na @estrellabarretto.

“Nagsalita na ang Mommy @gretchenbarretto. The Truth will always Prevail,” sabi ni Claudine sa kanyang IG story.

“I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own. I’m shock & in so much pain as a mother.

“I just learned about the video & my heart breaks. Claudine said everything, pls don’t drag my name Marjorie.

“Didn’t know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME. Learn to tell the truth and nothing but the truth,” ang buong message ng Instagram account diumano ng  kanilang ina.

May sagutan din sila Claudine and Marjorie na :  “take your proper medications please. Nahihilo ka na sa kuwento mo.”

Sagot ni Claudine : “Oh my! What happened? Why did you TAG YOURSELF Marjorie? Tsk tsk don’t worry I drank my meds. So should you. Mock me all you want BUT NOT PEOPLE WITH MENTAL ILLNESS. Don’t your children see a psychiatrist?”

Confusing na ang mga pangyayari dahil base na rin sa kanilang mga post, mukhang kasundo naman ng kanilang mommy Inday silang lahat.

Ang aabangan ngayon ay kung sa korte na nga sila magkikita-kita sa papalapit na Pasko.

CLAUDINE GRETCHEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with