^

PSN Showbiz

Bong at Vic hindi na nawala ang closeness!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong at Vic hindi na nawala ang closeness!

It was no ordinary Sunday for me nang ma­ging ninang ako sa kasal ni Miguel Luna kay Christia. Si Miguel ang kapatid ni Pauleen Luna-Sotto na sinubukan din na mag-artista dahil contract star siya ng Viva Artists Agency.

Wah ko pa naman type na lumabas ng bahay tuwing Sunday pero dahil feeling family ako, kinuha ako na ninang sa kasal ng bunsong kapatid ni Pauleen.

Tanghali naman ang oras ng kasal kaya go ako at hindi ko inakala na dadalo si Senator Bong Revilla na isa rin sa mga principal sponsor.

Grabe ang sipon ni Bong noong Linggo. Halos tumutulo na ang sipon niya kaya very uncomfortable siya.

Pero very appreciative si Bong dahil hindi nito nakakalimutan na dinalaw siya ni Pauleen noong nakakulong siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame kaya kahit masama ang pakiramdam niya, talagang nag-attend siya at tinapos ang wedding ceremony.

Tuwang-tuwa ako sa batian nina Bong at Bossing Vic Sotto. Cute na cute si Bong kay Talitha, ang anak nina Pauleen at Bossing na ang lusog-lusog at flower girl sa kasal.

It was a beautiful Sunday, maraming salamat kay Miguel at Christia for getting me as one of their ninangs. I feel so honored and loved. Thank you and congrats.

Samantala, may friendship na nabuo between Bong and Vic mula nang magsama sila sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote, ang action fantasy comedy movie nila na official entry sa Metro Manila Film Festival noong December 2010.

Dahil sa box-office success ng kanilang pelikula, muling nagsama sina Bong at Bossing sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako na top-grosser naman sa Metro Manila Film Festival 2012. Si Judy Ann Santos ang Si Ako sa 2012 movie nina Bong at Bossing.

Feel na feel ko ang sincerity sa batian at biruan nina Bong at Bossing nang magkita sila sa simbahan na pinagdausan ng kasal nina Miguel at Christine.

Very comfortable ang dalawa sa isa’t isa at maligaya sila sa mga buhay nila ngayon.

Inggit na inggit nga si Bong dahil may festival movie si Bossing, ang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Missed na missed na kasi ni Bong ang panahon na every year, may entry siya sa Metro Manila Film Festival at maraming tao, lalo na ang mga bata ang napapasaya niya. Nami-miss din niya na magkasama sila ni Bossing sa pelikula.

Hindi ako magtataka kung sakaling sa mga susunod na Metro Manila Film Festival, muling magkakasama sina Bong at Bossing aka sina Panday at Enteng.

Napansin ko rin noong Linggo na bumabata ang hitsura ni Bossing Vic at napatunayan ko ang sobrang closeness nila ni Talitha.

Parang manika nga ang pag-aalaga ni Pauleen dahil kung anu-ano ang kanyang ginagawa kay Talitha na parang laruan niya.

Ang sarap talaga ng feeling kapag nasa gitna ka ng very closely knit group of people na hindi guarded ang mga kilos.

Tuwang tuwa ako na makita na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ng mga tao kay Bong, ang mga security guard at ang ibang mga tao sa simbahan na nag-request ng litrato na kasama siya.

I can feel how they welcome Bong back into their hearts. Thank you because you made my day.

vuukle comment

BONG REVILLA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with