^

PSN Showbiz

Alden tuloy ang pagpapantasya sa Black Pink member

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden tuloy ang pagpapantasya sa Black Pink member
Alden

Kahit naba-bash, tuloy ang pagpa-fanboy ni Alden Richards sa BlackPink member na si Lisa Manoba. Sa latest tweet nito, mga karakter sa Mobile Legends ang ginamit at kunwari sila ni Lisa ang magka-holding hands at ang caption, “kahit man lang sa laro makaholding hands. Good morning!”

Natuwa ang solid fans ni Alden at biniro siyang binata na at libre nang magpahayag ng crush dahil noon pa, inaming crush ang BlackPink member. Nilala-like rin nito ang post ni Lisa sa Instagram (IG).

Hindi lang lahat natutuwa sa kanya dahil may ilang fans ng BlackPink ang nagalit dahil nagpa-fan service lang daw siya. Pero dahil sanay na ma-bash, dedma si Alden sa mga hindi natutuwa sa pagpa-fan boying niya kay Lisa at sa galit nga ng isang fan, minaliit si Alden.

Anyway, two Sundays nang nagti-taping si Alden ng The Gift, paghahanda siguro sa paglipad nito at ang Dabarkads ng Eat Bulaga sa Dubai for a show sa November 13. 

Bubble Gang anniv, dala-dalawa ang direktor!

Hindi pala nagbibiro si Paolo Contis sa sinabi sa presscon ng 24th two-part superhero telemovie anniversary special ng Bubble Gang na 10 days ang shoot nila sa The ScAvengers. Pinatotohanan ito ni Michael V. at kinailangan pang dalawa ang director para mas mapaganda ng husto ang special na mapapanood sa November 15 and 22.

Kaya bukod kay Bert de Leon, director din ng The ScAvengers si Rico Gutierrez na in-charge sa fight scene at special effects. Mahusay daw kasi si Rico sa special effects na nagpaganda sa special na sa sound pa lang ng mga bakal, aakalain mong galing sa Dolby sound ang tunog.

Anyway, nakakatuwa ang kuwento ni Paolo na 10 to 12 years siyang semi-regular sa Bubble Gang at naging regular lang siya nang umalis si Ogie Alcasid.

“Nang umalis si kuya Ogie, nagkaroon ng budget at marami kaming naging regular. Ganu’n kalaki ang talent fee niya, kaya thank you kuya Ogie, ‘wag ka nang babalik,” pagbibiro ni Paolo.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with