Jessy Mendiola
Jessy mommy na ang turing kay Ate Vi
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2019 - 12:00am

“Momski” pala ang tawag ni Jessy Mendiola kay Cong. Vilma Santos dahil sa

ganung tawag niya binati ng happy birthday ang future mother-in-law na birthday noong November 3.

Kasama si Jessy sa birthday treat kay Vilma ng kanyang pamilya at  pinost sa IG story ang video.

Kasama rin si Jessy nina Cong. Vilma, Luis, Ryan Christian at Sen. Ralph Recto na nagbakasyon sa Taiwan, ibig sabihin, belong na talaga siya sa pamilya ni Luis. Inaabangan na lang ng shippers nina Luis at Jessy ang proposal ni Luis at ang kanilang kasal.

Ogie at Regine magiging kumpare na ni Janno

Hindi kami sure kung magkumpare at magkumare na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs dahil sa anak nina Ogie at Regine Velasquez na si Nate Alcasid, pero magiging magkumpare at kumpare sina Ogie at Janno at magkumare sina Regine at Bing Loyzaga dahil kinuha silang ninang sa kasal ng anak ni Janno sina Ogie at Regine.

Ikakasal na ang anak nina Janno at Bing na si Alyssa Gibbs at personal na kinausap ni Alyssa sina Ogie at Regine na maging ninong at ninang nila ng fiance niyang si Anton Cruz.

Pinost ni Ogie ang litrato nila nang bumisita sa bahay nila ang mga ikakasal with Janno and Bing.

Regine magso-solo sa Arena

Winelcome ni Lea Salonga si Regine Velasquez sa Ariel family dahil si Songbird ang bagong dagdag na endorser ng detergent. Natutuwa sila dahil high-pitch ang pagkakasabi ni Regine ng brand ng sabon, kaiba sa pitch noon ni Kris Aquino at Lea.

Speaking of Regine, sa May 2020 pa ang US Tour ng Iconic concert nila ni Sharon Cuneta, marami pang ibang magagawang concert si Regine. Gaya na lang ng concert niya para sa Frontrow sa November 9, sa Philippine Arena.

Walang kakaba-kaba ang Frontrow na mapupuno ni Regine ang 50,000 seater na Phil. Arena sa rami ng fans ni Songbird at concertgoers.

Lovi pinayagang mag-promote sa ABS

Ang post ni Lovi Poe na “Thank you GMA for letting me guest in Magandang Buhay” para i-promote ang Regal Entertainment movie nila ni Joem Bascon na The Annulment  na showing sa November 13.

Nag-guest din daw si Lovi sa Rated K, kaya may mga nagtanong kung lumipat na siya ng ABS-CBN at iniwan na ang GMA 7. May nagalit pa nga sa Kapuso network dahil bakit daw hinayaang lumipat sa Kapamilya Network ang magaling na aktres gaya ni Lovi?

Pinaalalahanan ng ibang fans ni Lovi ang super react na fan na nag-promote lang ng movie si Lovi at hindi lumipat. Kasi naman, hindi muna ayusin ang pagbabasa bago mag-super react.

Anyway, nag-congratulate si Alden Richards kay Lovi at sa movie nito at sinabi pa ng aktor na panoorin ang The Annulment. 

Waiting kami sa rating ng MTRCB sa The Annulment dahil maraming maiinit na eksena sina Lovi at Joem Bascon. Sa kissing scene pa lang ng dalawa, solved na ang moviegoers, tapos may bed scene at love scene pa. Panalo ang moviegoers sa movie.

Zia at Ziggy puring-puri sa kanilang bakasyon

Ang bilis tumaas ng likes ng post nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa family vacation nila sa Panglao, Bohol. Sa comments, hindi na lang ang mag-asawa ang binabanggit, mas marami pa ngang nagko-comment kina Zia at Ziggy.

Puro, “cute babies” at “beautiful babies” ang nababasa namin, konti na lang ang nagsasabing guwapo si Dingdong at maganda si Marian, na siguradong the parents won’t mind.

Bakasyon at bonding muna si Dingdong sa kanyang pamilya dahil pagbalik niya ng Manila, resume siya ng taping ng Descendants of the Sun ng GMA 7 na marami na ang naghihintay ng airing. Tinatapos pa rin yata nito ang movie niya sa Viva Films at next year, may mga naka-line up ng pelikula na kanyang gagawin.

As for Marian, sa Tadhana at Sunday Pinasaya pa rin siya mapapanood habang hindi pa ready gumawa ng teleserye.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with