Angel
Dinaig ang mga pulitiko, Angel habit na ang tumulong, nag-shopping sa Davao para sa mga nilindol!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2019 - 12:00am

Buti pa si Angel Locsin. Walang kai­ngay-ingay pero nagawang magbigay ng tulong sa mga nilindol sa Mindanao.

Kung siguro walang social media, malamang hindi agad kumalat na nag-shopping siya ng halos isang truck na relief goods.

Kung ang karamihan ay naging abala sa mga Halloween party at pagdalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay, kasama naman ni Angel na nag-shopping sa Davao City ang fiancé niyang movie producer na si Neil Arce noong November 1, All Saints Day.

Ayon sa story ng latestchika.com, umabot sa dalawang oras ang pamimili nila Angel ng relief goods kasama na ang 58 sacks of rice.

Bukod sa sako-sakong bigas, namili rin daw si Angel ng gallons of mineral water, noodles, cans of tuna, toothpaste, toothbrush, soap, detergent, ayon pa sa source ng latestchika.com.

Super thumbs up to Angel.

Tinalo pa niya ang ibang mga pulitiko na wala kang naririnig na ginawa o ginagawa para agad tulungan ang mga nabiktima ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao.

Ang singer ngang si Leah Navarro off ang naging reply kay Atty. Theodore Te nang mag-tweet ito ng ‘what’s with all the earthquakes in Mindanao?’ Sumagot si Ms. Leah na kilalang critical sa Duterte government ng ‘retribution.’

Agad na nag-react ang business executive na si Ms. Aileen Choi Go sa nasabing sagot ng singer : “Don’t you dare connect the sufferings of Mindanao on your hatred to our President.”

Grabe ang inabot na pinsala, nagkaroon pa ng landslide, maraming nasa evacuation center, maraming nawasak na bahay at nangangailangan silang lahat ng tulong tapos ‘yun nga naman ang isasagot niya.

Sana nga ay marami pang katulad ni Angel na totoong angel sa lupa na hindi kailangan ng press release or TV cameras para ipangalandakan na tumutulong siya.

Actually, hindi ito ang first time na bumiyahe si Angel para magkawanggawa.

Noong 2017 ay pumunta siya ng Marawi para mamigay din ng tulong sa evacuees na naapektuhan ng ‘giyera’ noon sa nasabing lugar.

Nagpa-auction din ng vintage car si Angel noong 2013 para naman sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Balitang more than P3 million ang halaga ng nasabing kotse.

Consistent din siya sa pagiging volunteer sa Philippine National Red Cross.

Kaya nga sabi ni Philippine Red Cross chairman Sen. Dick Gordon, “ANGEL INDEED. Ms. Angel Locsin, together with her fiance, Neil Arce, personally went to our Davao del Sur Chapter to donate and volunteer in the distribution of relief goods and hygiene kits for the quake-hit families.

She has been supporting PRC for a long time and has participated during our relief distributions since Typhoon Ondoy.

Thank you, Angel, for trusting the Philippine Red Cross.”

God bless you always and may your tribe increase Angel.

Ahh so after 20 years, I Witness hindi pakakawalan ng GMA

Tuloy ang commitment ng mga host ng isa sa nangungunang TV documentary programs sa bansa na mahigit 1,000 life-changing stories na ang nagawa, I Witness, na sina Kara David, Sandra Aguinaldo, Atom Araullo, and Howie Se­verino sa Kapuso Network. Katatapos lang nilang pumirma ng contract renewal na attended by no less than GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa L. Flores, and First Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon. Senior AVP for Public Affairs Clyde Mercado and I-Witness Program Manager Joy Madrigal-Monzon were also present.

“Ang I-Witness ay talagang premium program sa Public Affairs kaya naman nagtatagal ng 20 years at sangkatutak na awards ang nakukuha niyan. Kaya naman we are very happy na we are continuing the excellent tradition of I-Witness,” pahayag ni Mr. Gozon.

Dahil sa mahuhusay nilang mga kuwento, maraming natanggap na recognition ang programa hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad kabilang na ang  Philippines’ first George Foster Peabody Award in its inaugural year, with GMA News Pillar Jessica Soho’s groundbreaking stories, Kamao and Kidneys for Sale.

Kahapon, Sabado, nag-umpisa ang 20th anniversary specials at all Saturdays of November, with a special feature on past and present hosts of I-Witness and the remarkable stories na kanilang sinubaybayan through the years.

ANGEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with