Alessandra âdi maamin ang direktor na nagpapasaya?!
Alessandra
Alessandra ‘di maamin ang direktor na nagpapasaya?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2019 - 12:00am

Totoo bang may lovelife at present si Alessandra de Rossi? Ang ganda kasi niya at blooming nang mag-guest sa Tonight with Boy Abunda. Madali lamang magsabi ng hindi kung totoo ngang wala silang relasyon ng direktor na si Rico Gutierrez but the mere fact na hindi niya ito maitanggi ay nagbabadya ng isang mas seryoso pang usapin. O baka naman ang nagpapasaya sa magaling na aktres ay ang ginagawang remake ng bansang Indonesia ng pelikula nila ni Empoy Marquez na Kita Kita. Look alike ni Empoy ang Indonesian actor na gumaganap ng role niya, parang twin niya. 

Angel first time nakasama si neil sa kawanggawa

Wala kayang naramdamang guilt ang marami nating artista na nagpakasaya at napatalbugan sa mamahaling costume sa isang Halloween party habang maramimg kababayan natin ang inabot ng indulto matapos ang tatlong ulit na lindol na sumagasa sa kanilang lalawigan bago ang Undas?

Parang nagbibigay ng hindi magandang pakiramdam at hindi magandang lasa sa bibig ang pagsasaya nila sa gitna ng isang malagim na trahedya, kahit pa sabi­hing tumulong naman sila at nagbigay ng suporta sa mga biktima. Tsk. Tsk. Tsk.

Dito marahil napapaiba sa kanila ang kapwa nila artista na si Angel Locsin who took time out from her preparation of her wedding at kasama ang kanyang fiancé na si Neil Arce ay nakita sa isang supermarket sa Davao City at namimili ng sako-sakong bigas at groceries para ipamigay bilang relief goods sa mga naapektuhan ng lindol.

Hindi ito first time na nakita ang aktres na tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad pero, first time niya ito na makasama ang kanyang fiancé sa pagkakawanggawa.

Coco laging dikit sa pangalan ni Julia

Bigla, naungkat na naman ang isyu tungkol sa diumano’y pagsisilang ni Julia Montes ng anak nila ni Coco Martin sa Germany na kung saan ay binisita lamang daw ng aktres ang kanyang ama. Umingay na naman ang loveteam nila dahil lamang binati ni Julia si Coco ng Happy birthday sa social media account nito na Instagram.

Siguro naman ay tanggap na ni Julia na hindi na niya maiwawalay sa kanyang pagkatao ang nasabing intriga.

 

ALESSANDRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with