_ngayon
^
Panganay nina Andi at bf, Kristyano na!

Panganay nina Andi at bf, Kristyano na!

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2019 - 12:00am

Isa nang ganap na Kristiyano ang three-month old baby ng aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang present partner, ang surfing champion na si Philmar Alipayo na si Lilo matapos itong binyagan sa isang local church sa Siargao kung saan ngayon naka-base ng mag-partner.

Si Andi ay may 7-year-old daughter na si Ellie sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito, anak ni dating Pa­ngu­lo at former mayor ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estrada sa dating actress na si Laarni Enriquez.

Samantala, bukas pa rin umano si Andi na tumanggap ng TV and movie offers sa kabila ng kanyang pagiging Island Girl sa Siargao ngayon.

Ate Vi ilang beses tumangging maging VP

Kaarawan sa araw na ito ng November 3 ng Star for All Seasons at kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas na si Rep. Vilma Santos-Recto. She turns 66 today.

Isa si Vi sa mga successful showbiz personalities na nakapag-cross-over sa larangan ng pulitika na kanyang pinasok nung taong 1998 nang una siyang tumakbo sa pagka-mayor ng Lipa, Batangas at kanyang pinaglingkuran sa loob ng tatlong termino o siyam na taon.  Three terms din siyang nanilbihang governor ng Batangas bago niya pinasok ang pagiging kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas now on her second term.

May ilang beses na rin siyang inimbitahang tumakbo sa pagka-Vice-President bagay na kanyang tinanggihan.

Samantala, hindi ikinakaila ni Vi na nami-miss na niyang gumawang muli ng isang makabuluhang pelikula lalupa’t taong 2016 ang kanyang last movie, ang critically acclaimed na Everything About Her kung saan niya nakabituin sina Angel Locsin at Xian Lim mula sa panulat ng writer-director na si Irene Villamor at direksiyon ni Joyce Bernal.

Still on Vi, kung siya lamang ang masusunod ay gusto na niyang mag-asawa ang kanyang panganay na anak sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano na si Luis Manzano para magkaroon na umano siya ng apo. Pero wala umano siya sa posisyon na pangunahan ang desisyon ng anak.

Very proud si Vi sa narating ng kanyang anak na si Luis na isang matagumpay na TV host, actor-comedian, celebrity endorser at entrepreneur.

Kylie at Jake inaabangan kung magtatagal

Kilala ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa pagiging ladies’ man dahil na rin sa rami ng mga babaeng na-link sa kanya. Kadalasan, isang taon lamang ang itinatagal ng kanyang past relationships which include Bea Alonzo, Sam Pinto, Jessy Mendiola, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Lovi Poe, Chanel Olive Thomas at si Sara Grace Kelley. Almost ten months na rin ang relasyon ni Jake sa dating Miss International-turned actress na si Kylie Verzosa pero nitong nakaraang September lamang umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon na nagsimula sa set ng kanilang recently-concluded afternoon TV series na Los Bastardos.

Ang sabi nga ng iba, sana hindi lamang isang taon tumagal ang relayson nina Jake at Kylie, sana sila na raw ang magkatuluyan.

Jake is 31 (turning 32 on December 30) habang si Kylie naman ay 27.

Daniel kina Maine at Sarah

Patuloy na umaasa ang fans ng Pop Star na si Sarah Geronimo at ang heartthrob na si Daniel Padilla na sana’y matuloy ang tambalan ng dalawa sa taong 2020 dahil tiyak na ito’y papalo nang husto sa takilya laluna kung ang Star Cinema at Viva Films ang magpu-produce ng isa na namang dream project na maituturing.

May mga nagsusulong din na sana’y makatrabaho rin daw ni Maine Mendoza si Daniel sa pelikula.

ANDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with