^

PSN Showbiz

Patricia may pa-reward sa magbabalik ng kanyang Phone 11

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Patricia may pa-reward sa magbabalik ng kanyang Phone 11
Patricia

SEEN: Ngayon, November 3, ang 66th birthday ng Star for All Seasons at ni Lipa City House Representative Vilma Santos. Kasama ni Vilma sa birthday vacation niya sa Taipei, Taiwan ang kanyang anak na si Luis Manzano at ang girlfriend nito na si Jessy Mendiola.

SCENE: Ipinag­diriwang ng Bubble Gang cast ngayong 2019 ang 24th anniversary sa telebisyon ng kanilang programa. Ang Bubble Gang ang longest-running comedy sketch gag show sa Philippine television.

SEEN: Umaasa si Patricia Javier na maibabalik pa rin sa kanya ang iPhone 11 cellphone na naiwan niya sa Lazy Taxi noong October 31 habang papunta siya sa isang Halloween party. Magbibigay si Patricia ng pabuya sa sinuman na magbabalik ng cellphone niya na nawala. Maaa­ring makipag-ugnayan kay Patricia sa cellphone number 0905-444-8172.

SCENE: Ang Viva Hot Babes member na si Sheree ang grand winner kahapon sa Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions ng It’s Showtime. Magaling na singer si Sheree pero nalinya siya sa acting at paggawa ng sexy movies.

SEEN: Ang Macho Man Gymnast na si Jonas Marabe ang winner sa grand finals kahapon ng Macho Men 2019 contest ng Eat Bulaga.

SCENE: Lilipat na sa ibang talent management agency ang isang in demand comedian dahil nag-expire na ang kanyang kontrata sa another talent management

SEEN: Nauna nang namigay ng tulong si Angel Locsin sa mga kababayan natin sa Minda­nao na nasalanta ng sunod-sunod na lindol pero kabilang sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Julie Anne San Jose sa mga nananawagan sa lahat na magbigay ng donasyon para sa mga biktima ng kalamidad.

SCENE: Personal choice ng direktor na si Mac Alejandre si Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann para maging co-star nina Lovi Poe at Joem Bascon sa The Annulment.

vuukle comment

PATRICIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with