^
AiAi minalas nang pumatol sa may asawa
AiAi

AiAi minalas nang pumatol sa may asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2019 - 12:00am

Naibahagi ni AiAi delas Alas na naranasan na niyang maging isang kabit noon. Ayon sa aktres ay napakahirap ng kalagayan ang pinasok niyang sitwasyon nang makarelasyon ang dating singer na si Miguel Vera.

“Oo naranasan ko rin. Mahirap, crayola ka nang crayola (iyak nang iyak), mahirap. Siyempre kung ano lang ang time para sa ‘yo. Kasi siyempre doon siya kay Cristine (asawa ni Miguel), alangan naman. hindi lang naman ako ang nakaranas na maging Cavite City (kabit), hindi ko pa rin naman masyado alam. Pero at the end, ginow (itinuloy) ko pa rin. So mali pa rin ako,” pagtatapat ni AiAi.

Naramdaman umano ng Come­dy Queen na mayroong dalang malas sa buhay ang pagiging kabit niya sa loob ng pitong taon. Dalawa ang naging anak nina AiAi at Miguel. “Parang ang bigat-bigat ng buhay mo. Tapos parati kang malungkot. Hindi ka maging masaya. Kasi wala ka rin naman peace, tapos hindi rin naman siya sa ‘yo umuuwi, doon pa rin siya umuuwi and hindi rin naman kaya ‘yung gano’n. So huwag na lang talaga and ang mga bata rin kasi hindi ko rin naman sila naaasikaso noong maliliit pa sila,” paglalahad pa ng aktres.

Pinayuhan din ni AiAi ang ibang mga kababaihan na huwag nang pumasok sa isang bawal na relas­yon dahil isang malaking kasalanan talaga ang pakikiapid. “Masama ang maging Cavite Girl (kabit) at siguro sa mga gano’n, try n’yo na lang na huwag maging gano’n. Try n’yo na lang na huwag hangga’t maaari. Kung pwede na iwasan, iwasan na lang kasi siyempre, sabi nga nila, bawat pagpatak ng luha noong legal na asawa, ‘yon ang pagbabayaran mo. So ako tingin ko marami akong binabayaran. Paumanhin po pagsalitang bakla lang naman po (ang ‘Cavite). Iko-correct ko lang po, hindi po iyon tungkol sa mga taga-Cavite, nagkataon lang na gay lingo ang Cavite City,” pagtatapos niya.

Gary, naghahanda sa kanyang 36th anniversay sa showbiz

Masayang-masaya si Gary Valenciano dahil muli siyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan. Isa sa mga pinaghahandaan ni Mr. Pure Energy ay ang malaking concert na gaganapin sa susunod na taon bilang selebrasyon ng kanyang ika-tatlumpu’t anim na anibersaryo sa industriya. “It’s really just the goodness of God has given me. I wouldn’t expect to last this long but if I were to break it down. It would be the love for what I do,” bungad ni Gary.

Para kay Gary ay magandang pangitain na mayroon tayong ma­raming singing competitions sa bansa. “It means that there really are countless amazing vocalists in the Philippines today. Maybe their mindset may not be exactly where it should be for now. It’s the only way where they can be heard right now before a live audience,” paliwanag ng singer. Reports from JCC

 

AIAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with