James at Nadine wala pa sa plano ang anak!
James at Nadine wala pa sa plano ang anak!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2019 - 12:00am

Malaya nang napag-uusapan ngayon ang live in arrangement nina James Reid at Nadine Lustre na animo’y isa na lamang ordinar­yong kaganapan ang pagsasama sa iisang bubong ng dalawang taong nagmamahalan.

Kung dati ay parang asiwa pa ang JaDine na mapag-usapan ito, ngayon pati ang pag-aanak ay kinakailangan na nilang sagutin. Kahit maraming kabataan ang sumusubaybay at sumusuporta sa kanila, marami rin sa kanila ang natutuwa na wala pang balak ang dalawa na magdala ng isa pang nilalang sa mundo dahil wala pa silang kahandaan.

Si Nadine ay nagsabing marami pa siyang gustong gawin sa buhay at ang pagkakaro’n ng anak ay makakahadlang lamang sa mga balak niya. Ang pagiging unstable naman ni James sa kanyang trabaho ay hindi suitable para sa pagkakaro’n ng anak.

Dasal lang ng JaDine fans na sa kasalan mauwi ang mga idolo nila. For now, sapat nang tanggapin nila ang sitwasyon na hiling nila ay magbago in the future tungo sa magandang pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa. 

Dasal para sa mga kaluluwa...

Paano n’yo ipinagdiriwang ang All Saints/Souls Day? Ako simula nang lumipat ng Novaliches ay hindi na regular na nakakadalaw sa puntod ng  mga  magulang ko sa Loyola Marikina.

Wish ko lang na hindi sila napapabayaan ng brother ko at naaalayan sila ng bulaklak at nasisindihan ng kandila.

Every night, ipinagdarasal ko na lamang sila at ang lahat ng mga kaanak ko’t kaibigan na namayapa na, tuwing All Souls Day, Nov. 2, nagmimistulang libingan ang harap ng bahay ko sa dami ng kandila na itinitirik ko para sa lahat ng namatay namin. Ipinagdarasal namin ng mga kasama ko sa bahay ang kaluluwa nila.

Mga artista kanya-kanyang rampa sa Undas

Swerte ng mga can afford na lumabas ng bansa para sa Undas. Nasasaksihan nilang makaranas ng Halloween na Katoliko ka man o hindi ay pare-pareho lamang ang selebrasyon. Ang tila nag-iisang factor sa mga selebrasyon ay ang kasiyahan na nakukuha ng lahat sa pagsusuot ng mga damit na kung hindi man nakakatakot ay sinuot naman ng mga namatay na. 

Sina Vice Ganda at Ion Perez na inilantad na ang relasyon sa publiko ay kasalukuyang nasa Japan at nagpapakasaya. Kahit nasaan man ang dalawa, ang mahalaga ay magkasama sila at wala na silang pinangangambahan na baka makita sila dahil nga umamin na sila.

Bongga rin ang magdyowang Luis Manzano at Jessy Mendiola. Nasabay sa pagdiriwang nila ng Undas ang selebrasyon nila ng birthday ni Cong. Vilma Santos-Recto. Sa Taiwan nila ito ginawa kasama ang mga pamilya nila kaya lalong naging mahigpit ang bonding ng pamilya nina Luis at Jessy. Art pieces ang gifts ni Luis sa kanyang ina at amang si Edu Manzano.

NADINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with