Vice at Ion
Anak ni Vice ibinuko kung gaano kaalaga si Ion!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2019 - 12:00am

Masaya ang lahat na taga-It’s Showtime sa paglantad ng relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez.

Isa raw sa saksi sa pagmamahalan ng dalawa ay ang Hashtags na si Kid Yambao na close rin kay Vice Ganda.

Parang Mommy na niya ang komedyante na minsan ay pabirong tinatanong daw niya kung sino ang Daddy nila.

“Matagal ko nang tinatanong kay Meme Vice noon, na siyempre anak-anakan ako, ‘Ma, sino talaga ang tatay ko? Ganun.

“Wala siyang maisagot eh. Ayaw niyang sabihin. Sa tamang panahon. Sa tamang panahon, Ayun!

“Iyun pala, andiyan na ang tatay namin,” napapangiting pahayag ni Kid sa presscon ng pelikula niyang Two Love You.

Bago pa raw makilala si Ion sa Ms. Q&A ng It’s Showtime, magkaibigan na raw silang dalawa.

Madalas ay nag-iisa lang daw ito sa dressing room.

“Ako kasi madalas ako tumatambay sa mga dressing room ng mga stylist, ng mga bading. So, lagi ko siyang nakikita.

“Ako ang unang kumausap kay Ion, hanggang sa isinama ko siya sa mga laro, sa basketball,” dagdag na kuwento ng Hashtags member.

Kaya parang nasubaybayan daw niya ang career ni Ion mula nung nagsimula ito hanggang sa nakilala sa It’s Showtime at nagkadebelopan sila ni Vice Ganda.

Nakikita raw niyang seryoso si Ion sa Mama Vice niya, kaya isa raw siya sa masaya nang uma­min na sila sa publiko ng kanilang relasyon.

“Maalaga si Ion. Hindi ko nakikita yung parang lolokohin niya ang nanay ko,” pakli ni Kid.

Kaya isa raw siya sa masaya para sa kanilang dalawa.

“Bihira yung ganoon eh, sa generation ngayon. Sila lang,” bulalas ng 20-year old na dancer-actor.

Natatanong na nga kung may balak silang magpakasal, at sabi ni Kid Yambao, magtatampo raw siya kung hindi siya ang kukuning Best Man.

Nakakatuwa naman talaga ang relasyon ng dalawa at mukhang seryoso naman si Ion. Pero curious lang ako kung ano talaga ang sexual orientation ni Ion.

Bading din ba siya o ‘yung tipong walang gender ang pag-ibig para sa kanya.

Mga artista ng Guerrero Dos, walang workshop

Kapag event o kung may pelikula ang produksyon na kaanib ng Iglesia ni Cristo, solid talaga ang kanilang suporta.

Kaya napuno ang special screening ng pelikulang Guerrero Dos na dinirek ni Carlo Ortega Cuevas.

Ito raw bale ang midquel ang una niyang ginawang Guerrero na umikot na sa iba’t ibang international film festivals.

Maayos ang pelikula at naiyak nga kami, pero hindi namin kilala ang mga artista. Tanging si Victor Neri lang ang nakilala naming may special participation sa pelikula.

Pero magagaling sila lalo na ang batang bidang si Julio Sabenorio.

Nanalo na pala ito sa Star Awards for Mo­vies nung 2017 at ngayon ay siya uli ang bida sa pangalawang pelikula nitong Guerrero, kaya naging Guerrero Dos.

Hindi raw siya dumaan sa acting workshop kundi sumusunod lang daw siya sa mga instructions ni direk Carlo Ortega Cuevas.

Kung mapapanood lang sana itong pelikula ng mga taga-movie industry, tiyak na magkakainteres silang kunin ang batang bida rito.

Pero sabi niya, mas gusto raw muna niyang mag-focus sa pag-aaral at wala pa raw sa isip niyang pasukin ang pag-aartista. “Sa ngayon po ay mag-focus po muna ako sa studies,” pakli ni Julio.

Pinag-aaralan pa raw nila ngayon kung paano ito makakuha ng playdate para sa commercial showing.

Kaya humihingi sila ng tulong sa mga movie press na ma-promote ito nang husto para mapansin naman daw at mabigyan ng playdate ng mga booker. “Pero sa ngayon po magkakaroon kami ng block screenings. Pinag-aaralan pa po namin ang commercial run.

“Siguro po depende kung paano tatanggapin ng audience,” pakli ni direk Carlo.

“Ang gagawin po namin ngayon magtulung-tulong kung paano ma-promote ang movie.

“Saka gusto po namin mabigyan ng chance ang mga new talent, yung mga homegrown talents namin,” sabi pa ng direktor ng Guerrero Dos.

Nakatakda rin itong isali sa ilang international film festival at inaasahang aani rin ito ng parangal gaya ng unang ginawa nilang Guerrero.

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with