Pinoy fans sobra na ang pagkaadik sa Korean actors
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2019 - 12:00am

Ewan ko na lang kung hindi pa magsawa ang mga Pinoy na addict sa Korean actors at K-Pop group  na halos every month, may mga show at  meet-and-greet sa Pilipinas, Salve.

Kung babayaran ang tickets para mapanood sila, mauubos ang savings ng fans.

Imagine, ang mahal pa ng tickets para sa mga show nila. Mas mahal pa sa tickets ng concerts ng mga Filipino talent pero ano ang  magagawa natin kung talagang sila ang flavor of the fans ngayon?

Talagang sobra na ang addiction ng Pinoy fans sa Korean stars at K-Pop group dahil hindi na nila iniinda ang gastos, basta makita lang  kahit  sandali ang kanilang hinahangaan na Korean celebrities.

Tuwang-tuwa naman ang mga Korean perso­nalities sa tuwing pumupunta sila sa ating bansa dahil feel na feel nila ang love ng mga Pilipino.

Hay naku, buti na lang hindi si Jo In-sung ang bumisita sa Pilipinas or else, isa pa ako sa mga tumitili at napupuyat sa pagpunta sa  New Frontier Theater at stalker sa Novotel para makita ang aking soulmate.

Pagbigyan na natin ang mga Pinoy na addict sa Korean star dahil lilipas din ang kahibangan nila at hopefully, babalik ang kanilang mainit na suporta at pagtangkilik sa local stars natin.

Shaina

Shaina kay Mama mary laging nagpapatulong

Isa talaga ako sa mga humahanga kay Shaina Magdayao.

Nang maghiwalay sila noon ni John Lloyd Cruz, nagpunta siya sa Lourdes, France para mag-soul searching.

Talagang kay Mama Mary siya tumakbo para humi­ngi ng gabay at mula noon, parang wala na akong na­rinig na naging boyfriend niya after John Lloyd.

Sana naman, makatagpo si Shaina ng isang lalaki na worth sa love na kanyang ibibigay. Sana matanggap din niya ang ligaya na nararapat para sa isang mapagmahal na babae na tulad niya.

Maganda ang takbo ngayon ng career ni Shaina na isang mahusay na artista kaya laging may project para sa kanya.

May balita na may plano uli si Shaina na mag-soul searching. Baka meron na naman siyang na isa na bigyan ng sagot sa kanyang mga nadarama o iniisip na nice thing to do to reflect and find inner peace. Nice move Shaina. Find yourself. Be happy.

MR. FU, LOLIT AT CRISTY

Sen. Villar may special announcement sa TIPMMG

Sana magaling na si Cristy Fermin dahil si Senator Cynthia Villar ang guest namin ngayon sa Take It Per Minute (Me Ganun) at live kami na mapapanood mula sa Coffee Project, ang sikat na sikat na coffee shop na pinamamahalaan ni Camille Villar.

Hindi puwedeng mag-absent si Cristy dahil may mahalagang announcement para sa lahat si Senator Cynthia.

Paborito namin si Senator Cynthia kaya dapat na present si Cristy or else, magtatampo sina Avic Amarillo at Nini Rubia-Enrique.

Mapatutunayan ng lahat ang sinasabi ko na isa sa mga pinakamaganda na coffee shop ang Coffee Project dahil ibang-iba ang interior decor nito, very homey kaya gustung-gusto ng mga kostumer na mag- selfie.

Makikita rin ang magandang serbisyo ng staff ng Coffee Project, ang napakabait at magagalang na service crew.

Magpagaling ka na Cristy  dahil miss na rin namin si Tina Roa na kapag absent ang boss, siyempre absent din siya. Watch n’yo ngayon ang Take It Per Minute (Me Ganun) dahil special at exci­ting ang subject namin.

 

CRISTY FERMIN LOLIT SOLIS MR. FU SHAINA MAGDAYAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with