Yassi
Yassi dawit sa pagbabalik ni Julia?!
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napagalitan ang mga ka-selfie ni Julia Montes na nagkalat sa social media.

Nag-trending nga kasi ang nasabing mga post kaya ang mga nakasama sa photos na kumalat, nasita raw ng mga bossing nila.

Anyway, wala pang official statement si Julia kung babalik na ba siya sa showbiz o hindi pa.

May mga nagkalat na kuwento na may mga kinausap na diumano ito kung ano ang magandang TV comeback.

Nauna na ring kumalat ang kuwento na mommy na diumano ang Kapamilya actress. At ang daddy diumano ng baby, si Coco Martin.

Pero pareho silang walang sinasabi kung may anak na sila dahil mas mara­ming fans ang nagsasabi na mag-dyowa rin sina Coco and Yassi Pressman na magkasama sa Ang Probinsyano so ano raw ‘yun. Sobra din diumano ang pag-aalaga ni Coco kay Yassi.

Nauna nang kinumpirma ng source na nag-apply si Julia ng dual citizenship sa Germany kaya matagal itong nag-stay sa piling ng amang German na si Martin Schnittka na two years ago lang niya nakilala.

More than a year nang absent sa showbiz si Julia. Last teleserye niya ang Asintado.

 Habang sinusulat namin ito ay tinanong namin ang isang ABS-CBN insider at ang sagot niya sa tanong namin kung may naka-line up na silang project for Julia “I don’t know pa...I’ll check.”

YASSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with