^

PSN Showbiz

Alexa sumabog sa pamba-bash na niloko si Nash

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alexa sumabog sa pamba-bash na niloko si Nash
Alexa

Magsu-showing na sa October 30 ang horror movie na Santigwar ng Horseshoe Studios, pero nung nakaraang Huwebes lang sila nagpa-presscon.

Humarap sa press ang buong cast ng naturang pelikula na pinangunahan ni Alexa Ilacad kasama sina Marlo Mortel, Marco Gallo, Pam Gonzales, Aubrey Miles at marami pa na doon na lang namin nakilala. Si Joven Tan ang direktor nito.

Isang santigwar na lumalaban sa mga aswang ang role ni Alexa at sa presscon na iyun at palaban din siya sa mga pahayag  nang naungkat ang isyu nila ni Nash Aguas.

Nag-trending kasi si Alexa sa Twitter nung araw na iyun dahil sa matinding pamba-bash sa kanya ng karamihang fans ni Nash sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda nung nakaraang Lunes, October 21.

Pahayag ni Alexa; “When I saw I was trending it was because his camp or his fans where bashing me and were trying to spread rumors about me.

“The same rumors that they have been spreading all these years since I think 2017 na parang sinasabi na I have no right to talk about ‘thirteen years thing’ and all of that because ako naman daw ang nanloko.

“That was so funny kasi ang tagal na nilang sinasabi na nanloko daw ako and all that, but where’s the proof? I dare them. Show me. Show me what you have against me. Hindi yung puro salita kasi…salita kayo nang salita, wala naman kayong mapakita. Sinabi ko nga, wala naman kasi talaga.”

Pinagbibintangan siyang nanlalaki nung ka-MU niya si Nash. “So funny kasi, if you think about it, where would the fans get the idea na nanlalaki ako?

“Someone fed it to them, and who would that someone, if not Nash. If you said you love me, would you do that to someone you love?”

Napilitang magsalita si Alexa dahil masamang-masama ang loob niya sa bintang na iyun at talagang hindi raw siya tinitigilan sa pamba-bash.

“Panay ang sabi nila, ‘nanloloko ka, nanlalaki ka. Wala nga akong dyowa eh. Asan? Sige asan yung nanlalaki ako? I just say it right now, I’m keeping inside but I’m not comfortable speaking of but…naghiwalay kami nang maayos na it’s not working anymore.

“Hindi ko kaya na ipagpatuloy ‘to. There’s no trust anymore…just the fact na nalaman ko when I went to ABS, sabi ng make-up artist sa akin, ‘Bes, sabi ni Nash na nanlalaki ka raw.

“Sabi ko, ‘so ipinagkakalat niya yung assumptions niya. It was purely assumptions… just because I was starting to have new friends and maybe I didn’t have much time for him as I did before… na kaya hindi ko siya masagot, kasi ang theory niya before kasi may lalaki ka, which is unfair.

“Ang kapal ng mukha mo to talk about that ‘thirteen years thing’ pero ikaw naman ang may kasalanan. So, ano yung kasalanan ko. Please show me the proof you have before you talk about anything. Because I’m confident na there is nothing. Wala naman talaga silang malalabas talaga kahit ano pang gawin nila,” patuloy na hanash ni Alexa.

Inaasahan niyang patuloy pa rin siyang iba-bash. Pero huwag naman daw sanang gamitin ito sa pelikula niyang Santigwar.

Marlo laging ligwak sa mga contest kahit noon

Sobrang nanghinayang si Marlo Mortel na hindi siya nanalo sa celebrity edition ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime. Tanggap niyang matatalo talaga siya kay Ethel Booba. “Alam mo, wala talaga akong suwerte sa mga contest,” himutok ni Marlo nang nakatsikahan namin sa pelikula niyang Santigwar na mapapanood na sa October 30.

“Nakaka-nerbyos ha? “Kahit nga si Ethel magkasunod kami, ay nininerbyos siya. Kasi parang, artista ka na pag pumalpak ka pa, parang nakakahiya di ba?” dagdag niyang pahayag.

Ang dami na raw niyang nasalihan, pero hindi raw siya talaga nananalo at napapansin.

Naligwak siya sa Are You The Next Big Star ng GMA 7, sa Starstruck, na hanggang top 30 lang daw siya, tapos sa X Factor na naging way naman daw niya kaya siya nakapasok sa Be Careful With My Heart.

ALEXA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with