^

PSN Showbiz

Raffy Tulfo kinaaaliwan ng mga may problema

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Raffy Tulfo kinaaaliwan ng mga may problema
Raffy Tulfo

Ang pakikinig sa radio program ni Raffy Tulfo ang isa sa mga aliwan ko kapag nasa gitna ako ng traffic Salve.

Nang maging regular listener ako ng radio show ni Papa Raffy, nakilala ko si Niña Taduran na isa nang house representative ngayon.

Ngayon, may iba nang kasama o co-host si Papa Raffy sa radio program nito pero hindi siya katulad ni Niña na mas madalas ang banter sa feisty broadcast journalist. ‘Yung bagong co-host ni Papa Raffy, paminsan-minsan lang sumasali sa balitaktakan sa radio.

Natatawa ako sa mga problema na napapakinggan ko na inilalapit kay Papa Raffy, lalo na ang problema ng mag-asawa.

Naiintindihan ko na ngayon ang dahilan kaya marami ang nagiging addict sa social media dahil mas open ang lahat to express their emotions at parang may nakikinig sa mga sinasabi nila.

Madalas na iniisip natin na bakit gusto ng iba na i-broadcast ang kanilang mga problema, pinaki­kinggan ng milyun-milyong mga tao at on air sila na pinagagalitan ni Papa Raffy? Mas gusto ba nila na malutas ang  problema publicly?

Ang biruan nga ngayon, dapat magpunta kay Tulfo ang Barretto sisters para maayos ang kanilang away.

Hindi ako nagtaka nang manalo na number one noong nakaraang eleksyon ang party-list nina Papa Raffy at Niña dahil marami ang kanilang listeners at ang mga problema na nalutas nila. Bongga!

Papa Arnold may pa-birthday golf

Malapit nang mag-celebrate ng birthday si Arnold Clavio.

Sa November 2 ang kaarawan ni Arnold at sure ako na magkakaroon uli siya ng golf tournament.

Masarap na maging friend si Arnold dahil wala siyang star complex. Naisip ko nga na bagay rin kay Arnold ang program na kagaya ng radio show ni Raffy Tulfo.

‘Yung siya ang nilalapitan at hinihingan ng solusyon sa mga  problema. Tiyak na very funny ang atake ni Arnold at magiging cute ang palitan nila ng opinyon ng  kanyang co-host.

At dahil very funny guy si Arnold, tiyak na mapagagaan niya ang mabibigat na problema at isyu.

Hindi matatawaran ang credi­bility ni Arnold kaya on top ang mga programa niya sa TV at radyo.

Happy birthday Igan and more to come at ‘yung hair mo, si Arnell Ignacio na ang kunin mo na hairstylist para mas pogi ka, joke lang!

NBSB ni Sanya kinukuwestiyon

Grabe naman ang mga feedback sa sinabi ni Gab Lagman na mutual decision ang paghihiwalay nila ni Sanya Lopez.

Actually, si Sanya ang unang nagsabi na six to seven months lang ang itinagal ng special friendship nila ni Gab dahil ang work nila ang kanilang priority.

Pareho ng version ang dalawa. Kung ano ang sinabi ni Sanya sa presscon noon ng Dahil sa Pag-Ibig, ganoon din ang statement ni Gab nang makausap ito ng mga reporter sa isang event sa Kawit, Cavite.

Hindi naman kinumpirma ni Gab na naging mag-dyowa sila ni Sanya pero bayolente ang reaksyon ng fans.

Bakit daw sinasabi ni Sanya na no boyfriend since birth ito eh naging boyfriend naman pala niya si Gab?

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with