^

PSN Showbiz

Nanghingi rin ng tulong kay Rico,Claudine pinagbintangan ng dagdag-bawas ang mga pasabog ni Marjorie!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nanghingi rin ng tulong kay Rico,Claudine pinagbintangan ng dagdag-bawas ang mga pasabog ni Marjorie!

‘Ebidensiya’ kina Gretchen at Atong Ang biglang naglabasan Gretchen pinaglaruan si Marjorie

MANILA, Philippines — True kaya na nag-dialogue si Claudine Barretto na kaya dumalaw sa wake ng daddy Miguel Barretto nila si Pres. Rudy Duterte ay dahil nililigawan siya nito?

Huh!

At may nakarinig diumano sa nasabing dialogue na ‘yun ni Claudine sa wake ng kanyang daddy last Thursday night, ayon sa isang source.

Wow, ano kayang masasabi rito ni President Duterte na pinayuhan ng doctor niyang mamahinga at uminom ng gamot for muscle pain after nga nitong sumemplang sa motorsiko. “The doctor checked if there was a pinched nerve that caused the pain, but there was none. It was purely muscle spasms,” sabi ni Senator Bong Go sa isang live-streamed statement.

By the way, kasama rin si Sen. Go nang makiramay kay Mr. Barretto si Pres. Duterte na naging kontrobersiyal nga dahil ‘di napagbati ng presidente ang magkapatid.

 Anyway, bukod sa pagpapa-interview ni Claudine, nanghingi rin siya ng tulong sa puntod ng ama at ng dati niyang karelasyon na si Rico Yan.

“How do i live without u Daddy its so Painful Daddy.pls help me Daddy.”

“Rico pls help me.take care of Daddy,” magkasunod na post ni Claudine Barretto kahapon.

Samantala, sa kabila ng sinabi ni Marjorie na inagaw nga diumano ng kapatid niyang si Gretchen sa pamangkin niyang si Nicole si Atong Ang, itinanggi naman uli ito ni Claudine sa kanyang huling interview.

Kaso naglutangan sa social media ang sinasabing ebidensiya ng relasyon diumano ng socialite at negosyante na hindi inaasahan ng ilang malalapit sa kanya na magsasalita at magpapa-interview sa pagkakasangkot niya sa giyera ng pamilya Barretto.

Sa isang collage photo sa Instagram, may nag-tagged sa amin ng photo nila sa restaurant, sa plane, sa dangwa, na magkasama ang dalawa.

Nauna nang sinabi ni Nicole Barretto na inagaw diumano ng kanyang tita ang negosyante na ang tinuro naman ni Gretchen ay si Claudine base sa kanyang IG story.

Sinabi rin ni Marjorie sa kanyang interview na base sa personal knowledge niya, five years tumagal ang relasyon nina Nicole and Mr. Ang.

Na itinanggi uli ni Claudine sa kanyang interview sa DZMM.

Family friend daw nila si Mr. Ang na malapit lang sa kapatid niyang si Gretchen.

Anyway, hindi na seryoso ang sagot ni Gretchen sa mga sinabi ni Marjorie sa TV Patrol.

Sa isang caption ay tinawag niyang ‘POSSESSED’ ang kapatid sa vi­deograb na parang nakatirik ang mata ng nanay ni Julia Barretto.

Sa isa naman ay nakalagay ang “Oo ate , oo ate , ikaw na ang kalmado. Ikaw na ang mabuting anak. Ikaw na nga lahat im longing for the peace you radiate, ate marjorie baldivia itchy -very goooood ’ na animo naman ay nanggigigil si Marjorie sa isang screengrab sa interview ni Ms. Karen na tinutukan ng bayan.

So who’s telling the truth...

Pero sabi nga denying the truth doesn’t change the fact. At kahit ano pang sabihin nilang lahat, hindi sila ligtas sa konsensiya nila.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

MIGUEL BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with